Monday, November 12, 2012

MORE FUN IN WRITING BLOGS AND JOKE MUNA PARA MASAYA



Joke muna para masaya at  IT IS MORE FUN IN WRITING BLOGS

Nanay:  Anak, bumili ka nga muna ng bigas at naubusan na tayo.
Anak:  Kayo na lang po inay, masakit ang puson ko at meron po ako ngayon.
Nanay:  Tumigil ka nga jan sa kaartehan mong bakla ka, baka gilitin ko yang bayag mo at ng tuluyan kang duguin diyan.
Anak:  Ilang kilo po ang bibilhin?
                                                                                -oOo-
Grupo ng mga graduating student ng Pamantasang ng Cabuyao, Psychology  Dept. ang nag- field trip sa ospital  ng mga baliw sa Mandaluyong.  Sinalubong sila at iginala sila sa mga ginagamot duon:

Student:  Doc, ano po ang kaso ng isang iyan?

Doctor:  Akala niya ay sya si Andres Bonifacio.  Kaya may hawak syang patpat at sumisigaw ng “Sugod mga kapatid”.

Student:  Ito naman pong isang ito, bakit naka wheelchair sya?

Doctor:  Akala naman niya ay siya si Apolinario Mabini at isa syang dakilang lumpo.

Student:  Ito naman pong isang ito, bakit nakaharap sa pader at galaw ng galaw ang kamay?

Doctor:  Akala naman niya sya si Juan Luna at nagpipinta sya.

Natapos ang field trip at nag paalam na ang mga estudyante.

Student:  Maraming pong salamat Doctor, Ano nga pala ang pangalan ninyo Doc?

Doctor:  Ako naman si Dr. Jose Rizal . . .  Huwag ninyong kalilimutan ha, ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa hayop  at malansang isda . . .  Adios . . . patria adorada, del heruismo cuna . . . . . . . . .  kayong mga kabataan ang pag asa ng bayan.

                                          -oO0-
There is this good old barber in some city in the US.

One day a florist goes to him for a haircut. After the cut, he goes to pay the barber and the barber replies: "I am sorry I cannot accept money from you. I am doing a community service." The Florist is happy and leaves the shop.

The next morning when the barber goes to open his shop, there is a thank you card and dozen roses waiting at his door.

A Cop goes for a haircut and he also goes to pay the barber after the cut. But the barber replies: "I am sorry I cannot accept money from you. I am doing a community service." The cop is happy and leaves the shop.

The next morning the barber goes to open his shop, there is a thank you card and a dozen donuts waiting at his door.

A Filipino software engineer goes for a haircut and he also goes to pay the barber after the cut. But the barber replies: "I am sorry I cannot accept money from you. I am doing community service." The Filipino software engineer is happy and leaves.

The next morning when the barber goes to open his shop, guess what he finds there?

A dozen Filipinos waiting for a free haircut!

                                                -oOo-

Dumaan ang isang pangit na babae sa grupo ng mga nag-iinuman.

Tinukso ng isang lasing ang babae, "Pangit! Pangit!"

Gumanti ang babae, "Lasing! Lasing! Lasing!"

Hirit ng lasing, "Hindi bale. Bukas hindi na ako lasing! Eh ikaw?!"
Pangit parin.

                                -oOo-   

Sa Bilibid prison, nagi-interview ang mga nag-aaral ng journalism:

Student:  Bakit po kayo nakulong dito?

Preso:  Hindi ko sinasadyang mapatay ang asawa ko.

Student:  Masakit pala ang pangyayari at batang-bata ay balo na kayo.

Presos:  Oo nga eh, 3 beses na akong nabalo.

Student:  3 beses???  Ano po ang ngyari.

Preso:  Mahirap lang kami at sa bukid kami nakatira at ung naunang dalawa kong asawa ay namatay kasi nakakain sila ng kabute.

Student:  Ayyyyy, kawawa naman pala.  Ito pong pang  tatlo bakit naman po nadisgrasyang napatay ninyo.

Preso:  Kasi ayaw niyang  kumain ng kabute.
                                                                -oOo-




IT IS MORE FUN IN SELLING

Last night, ready na akong gumawa ng isa pang istorya regarding sa “it is more fun in selling “ ng parang may nagtutulak sa akin na maghanap ng blogs na nakasulat sa filipino.  Nakakita naman ako at kahit hindi ko gusto yung isinulat niya ay nag enjoy ako sa pagbabasa kasi  ang ganda niyang magsulat sa filipino.  Perez ung natandaan kong e-mail nya at 22 yrs old at tapos ng journalism.  Gradweyt  ba naman ng journalism at ako naman ay hi-skul graduation lang kaya malaki ang difference ng pag compose niya ng mga sentence.  I admit na nainggit ako sa kanya at nasabi ko na gusto kong matutong sumulat ng ganuon.  Well, sabi ng anak ko ay huwag ko ng pangarapin at huli na ang lahat  at saka hindi daw importante un basta ang mahalaga ay maisulat ko kung ano ang nasa loob ko. Sabi ko naman ay importatante un, ung nabasa ko ay hindi ko gusto ang istorya pero inulit ko pang basahin kasi gusto ko ang pamamaraan ng pagsulat.  Sabi pa niya ay matuto daw akong mag draft ng sulat tapos ay i-edit ko di tulad ng ginagawa ko ngayon, diretso at pagka check ko ng spelling ay publish na agad.  Tinuruan na rin niya akong ng mga copy/paste, ang hindi ko lang magawa ngayon ay kung saan ko hahanapin yung binasa ko kagabi.  Kanina pa ako nag ikot sa mga blogs site pero indi  ko na makita.  Sana sumagot sya sa comment ko para matandaan ko na ung blog niya. 

Hindi lang yun ang nabasa ko, may mga english ang sulat pero pinay na nasa abroad, un bang mga hearthbreaking ang story, corny sa aking ang mga ganuong istorya pero saan ka, I am teary ng matapos kong basahin.  Hindi rin ako makabalik sa site niya at nalimutan ko rin ung name niya.  Charge to experience, i-note ko na sa susunod ang mga name nila at sabi uli ng anak ko ay i-copy ang url at ilagay sa notepad.  Marunong na rin akong mag copy paste . Na testing ko na at epektib nga, walang kawala.

A friend of my daughter girlie encouraged me to write, maybe he noticed na madaldal ako kasi nga ay ahente ako ng lupa and along the way ng kwentuhan namin ay he said I can start my writing sa mga experiences ko like selling.  Okay, what if I have nothing to write?  He said, think of your happy/funny moments, your observations lalo na sa politics at entertainment at mga best food na natikman and many more.  Never ending ang mga story like music and the most important ay your future great grand children na hindi mo na makikita ay mababasa ang mga sinulat mo.
In short, sumulat ako ng isa at ang comment niya ay magbasa ako ng ibang blogs para matuto ako but I ignore his suggestion but instead I wrote another one and another one until na may mabasa akong ibang blogs.  Wow, yan ang nasabi ko kasi ang ganda ng kanilang mga blogs at ang gaganda ng mga english nila.  I feel shame, kasi indi ko alam pagandahin ang pagsusulat at wala akong aral duon.  Hi-skul graduation lang me.  Nagkausap uli kami ng nagulok sakin na sumulat at okay daw sa kanya ung mga write-ups ko.  Sa loob-loob ko ay binobola ako nito.  But anyway, I’m happy doing this at hindi lang hapi, very very hapi pa.

Actually ang alam ko lang sa computer ay mag facebook, mag youtube at mag yahoo.  Kaya ng malaman ng lahat sa bahay  na bloggers na ako ay may kasama ng tawa at ang hindi ko alam ay kung pinagtatawanan ako o talagang natutuwa sila sa bago kong kinahihilagan.  I did this for fun, ang sabi ko nga sa kanila, I have only few years to live  dito sa mundo pero hanggat may blogspot.com ay mababasa nila at baka pati ng kanilang mga apo ang isinusulat ko.  Last Oct 16 lang ako nagsimulang magsulat at my viewers na ako.  Anyway, un nga palang account na ito ay sa anak ko at hindi naman ako marunong mag sign-up kaya bata pa yung nasa pic pero indi naman malayo ang kapogian ko sa kanya. 

I am inviting everybody na magsulat kayo.  Wala namang masama and you can do it for fun not for money.  Madami na akong inaya na mga frend ko na sumulat din but as usual ang respond nila ay hindi sila marunong.  Sabi ko ay “Ng magsimula ba ako ay marunong na agad, hangga ngayon nga ay hindi pa ako marunong pero may viewer na ako”.  I don’t believe na talent ito, desire lang yan.  Hindi ko gustong maging ahente ng lupa pero ng makabenta ako ay tuloy-tuloy na at nakapag patapos ako ng anak sa kolehiyo sa pag aahente lang. Hindi ko talent ang magbenta ng lupa pero coz of the needy yata or desire yun kaya hangga ngayon ay narito pa ako sa selling.

What to write? .  Sabi ko nga, I’m old at i have a long history.  Every writer  can share theirr experiences and observations.  I am writing without any plan, anything that comes in from my mind comes out in my finger.  I can write my blogs in english but I prefer to write it in Taglish.  My target readers are my friends and cousins abroad and I received a lot of advice and suggestions from them. And you know what motivated me most?  I imagine my future grand children are  happy reading this even without not seeing their great grandfather.  As long as there is www.blogspot.com my writings will be read.

Bye-bye for now . . . . . 

No comments: