Thursday, November 8, 2012

more fun in selling at joke muna para masaya 2



                                       MORE FUN IN SELLING AT JOKE MUNA PARA MASAYA-2

Magkausap ang mag kumare habang nagtatalop ng patatas:

Mare 1 :  Tuwing nagtatalop ako ng patatas mare, naaalala ko ang itlog ng kumpare mo.
Mare 2 :  Bakit mare, ganyan ba kalaki ang itlog ni kumpare?
Mare 1 :  Hindi naman, pero ganito kadumi.
                                      -oOo-

Anak:  Itay, may ipagtatapat po ako.
Tatay:  Anu yon anak?
Anak:  Buntis po ako.
Tatay:  Cge na at kumain ka na.
Anak:  Anong klase kayong magulang, pagkatapos ninyong marinig ang ipinagtapat ko, hindi man lang kayo magagalit, hindi nyo ako sasamplin o sisigawan man lang.
Tatay:  Tumigil ka Arnulfo, tinangap ko na ang kabaklaan mo pero wag kang mag inarte at sasapakin kita.

                                 -oOo-

Lalaki:  Boss, gupit pogi nga po.
Barbero:  (Pinagmasdan ang lalaki ) pasensya na brod, sa ibang barber shop ka na lang  pumunta, indi ko kaya yun.  Suggestion lang, bakit indi mo subukan pumunta ng  plastic surgeon . . .
                               -oOo-

Teacher:  Saan nagmula ang relihiyon na hinduism?
Pupil 1:  Sa India po.
Teacher:  Mali
Pupil 2:  Sa China po
Teacher:  Mali pa rin.
Pupil 3 :  Sa japan po.
Teacher:  lalong mali.
Pupil 1, 2 at 3:  Saan po?
Teacher:  Sa Hindunisia.
     -oOo-

Sa lobby ng hotel, aksidenteng nabangga ng bellboy ang isang babaeng guest sa suso nito.

"Ma'am, sorry, kung ang puso n'yo ay kasinlambot ng suso n'yo, alam ko patatawarin mo ako," sabi ng bellboy.

Sumagot ang babae. "Kung kasintigas naman ng titi mo ang siko mo, nasa Room 201 ako."

               -oOo-

Lumapit ang labindalawang taong gulang na batang lalake sa kanyang lola at nagtanong.

"Yoya, batit ato buyoy?"

"Kasi supot ka pa, Iho, kahit itanong mo sa nanay mo," paliwanag ng lola.

"Nanay, batit ako buyoy?" tanong naman ulit ng anak sa kanyang ina.

"Kasi supot ka pa, kahit itanong mo sa tatay mo," sagot naman ng nanay.

Lapit ang bata sa tatay at nagtanong ulit. "Tatay, batit ato buyoy?"

Nagbuntong-hininga ang tatay bago sumagot, "Kati tupot ka pa."

                             next time uli . . . . .

                                        MORE FUN IN SELLING BUSINESS

That is right, it is more fun in selling business,  Why?  Because you work in your own time.  Ano namang selling business?  Sabi ni Connie Carag . . . . ., limot ko na surname niya, taga training dept ng fil-estate, to survive in this planet earth, may 3 factors na dapat ay meron ka, FOOD, CLOTHING AT SHELTER.  Without food, you will surely die, kung wala kang clothing, baka indi ka makalabas ng bahay ng hubo para bumili ng food , (joke) at baka ka naman sipunin at magkasakit kung wala kang shelter,   kahit sa ilalim ng tulay ay titira ka mag survive ka lang.  So, iyang 3 iyan ang necessity to survive.  You can survive without insurance, without car, without furniture and without cosmetics ewan ko lang pag wala kang facebook (another joke).

Pag food ang ibinenta mo, sure ay may pera ka kaagad kaya lang ay medyo mahirap, mamimili ka, iluluto mo tapos ay ibebenta mo at pag napanisan o nautangan ka pa ay lugi pa.  Pag naman clothing, tulad ng nauuso ngayon (boardwalk, natasha, avon, (avon-ado).  Abunado ka pag tumakbo ang mga pautang mo.  Pag shelter, tulad ng house and lot,  Iyan daw ang best kasi sa minimum na transaction ngayon na 2% commission ay malaki yun.  Sa 500k na deal ay may 10k ka paano na kung ang deal mo ay 3m?  Di meron ka na agad na 60k less tax.  Ang sarap isipin pero hayaan mo muna sa isipan yan at hindi ganuon kadali makuha yun.  Kung sakali ay sa next issue ko ituturo kung paano maging ahente ng lupa.

Kailangan mo din mag ingat sa pagbebenta kasi baka pagkatapos mong magbenta ay hindi mo naman makuha ang commission mo.  Bakit naman hindi makukuha?  Maraming dahilan para makawala ang benta kung ikaw ay agent or tipster lang.  3 kasi ang dadaanan ng comisyon mo,  ung ahente na nag recruit sayo, ung broker na may handle ng transaction at ang developer na siyang nagbibigay ng commission.  Pwedeng ang mag interest ng pera mo ay yung nag recruit sau, o iyong broker na swapang o iyong developer na mayabang na hindi makasingil ang broker or kaya ay  bayaran ka ng hulagan.  Madaming ganyan pero wag na lang mag mention ng name.  Lalo na ngayon na may batas or Executive Order 9646 si former president GMA para sa pagaahente ng lupa.  Kung hindi ka registered na agent ay wala kang kahabol habol at kung magreklamo ka ay baka ikaw pa ang malintikan.  (e-mail nyo na lang ako kung bakit).  Pag hindi ka registered na agent ay huwag kang pipirma sa anuman docs at baka iyan pa ang maging ibidensya laban sa iyo.

Iyang EO na 9646 ang pumipigil sa mga tapos lang ng hi-skul na maging ahente.  Isa sa mga pre-requisite ng pagiging agent ay dapat ay may mga 80 units ka sa college.  Paano na yung mga hi-skul gradweyt, ung mga single mader na gustong mag survive.  Iyan daw ang masisipag na ahente, ung mga single parent.  Kung pwede ko lang gawing single parent ung mga ahenteng single para sumipag sila sa pag aahente.

Base on my experience, may buyer ako sa abroad at close ko na ang deal kasi frend na sya ng family namin.  Sinabi sa kapatid na bibili sya ng house and lot kaya nagpunta ung kapatid sa site para makita ung sinasabing project kaya lang nahagip sila ng ibang agent at ginawang agent ung kapatid at ini rehistro ung name ng buyer.  After a wik, pumunta kami nuong anak na kanyang spa para pumili at magbayad ng reservation fee  pero may agent na raw iba yun at naka register na sa kanila.  In short, umatras na yung buyer at para wala ng marami pang usapan ay sa iba na lang project bumili.  Nasabi ko nga sa clerk nuong developer na magdala ako ng list ng mga tao at ipa rehistro ko sa kanila para lahat ay buyer ko na.  Imagine, agent na hilaw ung nag-register ng name tinangap nila.  Hindi ako agree sa ganuong transaction.  May isa pa, according to my broker naman ito.  Meron broker na nag close ng deal sa internet at ini-register naman niya sa developer.  After a wik, dumating ung kapatid na may kasamang ibang broker at may dalang pera para bayaran ang reservation.  Problem ngayon yan ng marketing manager.  Hindi pumayag ang  broker na nag close sa internet na hindi sa kanya i-credit ang sales.  Ang verdict ay ibinigay ang credit sa broker sa internet at syempre nagwala naman ung broker na may dala ng pera na pang reserve.  Kung ako ang tatanungin ay dapat ibigay yun sa nag finalize ng deal sa internet kaya lang may memo ang developer na ang sales ibibigay sa mga agent na who brings home the bacon.  Ayun galit-galit muna sila  . . . .  Nganga na lang ang talunan.

Dami pang mga problem sa selling kaya bago kayo pumasok sa pagiging agent ay alamin munang mabuti ang mga karapatan mo at dapat ay properly registered ka.  Kung hilaw ka pang agent ay duon muna sumama sa mga agent na kilalang kilala ninyo bago ibigay ang inyong buyer.  Dami kaya ngayon ng mga one night stand na agent.  Isa pang problem ngayon ay ang mga buyer na gusto ring maging agent para makabawas o discount at sa bandang huli ay ibigay ung hinihingi ng buyer kaya ang meron na lang ay ung broker at wala ng natira sa agent kasi ibinigay sa buyer.
  
Hayyyyyy, dami pang dapat pag usapn kaya lang baka mainip na ang readers nito at sobra ng mahaba.  Next issue na lang uli . . . ..  bye.

P.S.  You are invited to put your comment on the issue or even put your cp number or add your product or invite other readers or you can post your pick-up lines.

Thanks. . .

No comments: