Saturday, March 9, 2013

HLURB-PD-957 Part 2



Last week of March ko pa sana i-post ang itong Part 2 ng HLURB-PD-957 pero napansin ko na marami ang nagbabasa at para wag kayong mabitin  lalo na yung may mga kasalukuyang problema sa kanilang nabiling house & lot.  Ang alin man sa mga narito ang nilabag ng developer ay pwede na kayong magreklamo at malaki na ang chance na manalo kayo.  Kung may katanungan kayo, pwede nyo akong i-message dito at e-mail ko kayo agad.

Sa Part 1 ay nalaman natin na hindi pinapayagan ng HLURB ang tinatawag na pre-selling ng isang subdivision.  May mga alituntunin silang susundin at kung hindi ay may  pananagutan sila sa batas at sa kanilang buyer, bagaman na hindi maiwasan ito sa dahilang kailangan din ng isang subdivision ang puhunan para sa pagde-develop ng subdivision at ang favor naman duon ng buyer ay medyo mura pa ang presyo,

SECTION 7 - Exempt Transaction -  A license to sell and performance bond shall not be required in any of the following transaction:

     a.  Sale of a subdivision lot resulting from the partition of land among co-owners and co-heirs.
     b.  Sale or transfer of a subdivision lot by the original purchases thereof and any subsequent sale of                      the same lot.
      c.  Sale of a subdivision lot or a condominium units by or for the account of a mortgage in the                             ordinary  course of business when necessary to liquidate a bonafide debt.

SECTION 17. Registration -  All contracts to sell, deeds of sale and other similar instruments relative to the sales or conveyance of the subdivision lots and condominium units whether or not the purchase price is paid in full, shall be registered by the seller to the Office of the Register of Deeds of the province or city where property is situated.

SECTION 18 Mortgages. - No mortgage of any unit or  lot shall be made by the owner or developer without prior written approval of the Authority.  Such approval shall not be granted unless it is shown that  the proceeds of the mortgage loan shall be used for the development of the condominium or subdivision project and effective measures have been provide to ensure such utilization.  The loan value of each lot or unit covered by the mortgage shall be determined and the buyer thereof, if any, shall be notified before the release of the loan.  The buyer may, at his option, pay his installment for the lot or unit directly to the mortgagee who shall apply the payments to the corresponding mortgage indebtedness secured by the particular lot or unit being paid for, with a view to enabling said buyer to obtain title over the lot or unit promptly after full payment thereof.

SECTION 19.  Advertisement. - Advertisement that may be made by the owner or developer through newspaper, radio, television, leaflets, circulars of any other form about the subdivision or the condominium or its operations or activities must reflect the real facts and must be presented in such manner that will not tend to mislead or deceive the public.

SECTION 20. - Time of Completion. - Every owner or developer shall construct and provide the facilities, improvements, infrastructures and other forms of development, including water supply and lighting facilities, which are offered and indicated in the approved subdivision or condominium plans, brochures, prospectus, printed matters, letters or in any form or advertisement, within one year from the date of the issuance of the license for the subdivision or condominium project or such other period of time as may be fixed by the Authority.

SECTION  23. Non Forfeiture of Payments. -  No installment payment made by a buyer in a subdivision or condominium project for the lot or units he contracted to buy shall be forfeited in favor of the owner or developer when the buyer, after due notice to the owner or developer, desists from further payment due to the failure of the owner or developer to develop the subdivision or condominium project according to the approved plans and within the time limit for complying with the same,.  Such buyer may, at his option, be reimbursed the total amount paid including amortization interest but excluding delinquency interest, with interest thereon at the legal rate.

PD-957 has a total of 43 sections pero yung iba naman ay tungkol sa kapangyarihan ng HLURB sa pagpapatupad nito.

Monday, March 4, 2013

HLURB-PD 957 - What is PD-957


What is Presidential Decree-957?  Ang PD -957 ay batas na binuo nuong panahon pa ni Ferdinand Marcos at ganito ang sinasabi:

Regulating the Sale of Subdivision Lots and Condominiums, Providing Penalties for Violations Thereof

WHEREAS, It is the policy of the State to afford its inhabitants the requirement of decent human settlement and to provide them with ample opportunities for improving their quality of life;

WHEREAS, numerous reports reveal that many real estate subdivision owners, developers, operators and or/sellers have reneged of their representations and obligations to provide and maintain properly subdivision roads, drainage, sewerage, water system, and other similar basic requirements, thus endangering the health and safety of home and lot buyers;

WHEREAS, reports of alarming magnitude also show cases of swindling and fraudulent manipulations perpetrated by unscrupulous subdivision and condominium sellers and operators, such as failure to deliver titles to the buyers or titles free from liens and encumbrances, and to pay real estate taxes. and fraudulent sales of the same subdivision lots to different innocent purchasers for value;

WHEREAS, these acts only undermine the land and housing program of the government but also defeat the objectives of the New Society, particularly the promotion of peace and order and the enhancement of the economic, social and moral condition of the Filipino people;

WHEREAS, this state of affairs has rendered it imperative that the real estate subdivision and condominium businesses be closely supervised and regulated, and that penalties be imposed on fraudulent practices and manipulations committed in connection therewith,


Iyan ang mga dahilan kung bakit nabuo ang PD-957,upang mapangalagaan ang mga bumibili ng lupa laban sa mga palpak na developer.

Well, paano naman kung despite na may ganitong batas ay mayroon parin balasubas na developer,  PAANO ANG GAGAWIN NG NALOKONG BUYER?

Pwedeng mag file ng complaint sa HLURB,  sa Title IV, Section 13 ay ganito ang sinasabi:

 " HEARING - In the hearing for determining the existence of any ground or grounds for the suspension and/or revocation of registration certificate and license to sell as provided in Section 8 & 9 hereof,  the following shall be complied with:

     a.  Notice - No such hearing shall proceed unless the respondent is furnished with a copy of the complaint against him or is notified in writing of the purpose of such hearing.

     b.  Venue - The hearing may be held before the offices or officers designated by the Authority on the date and place specified in the notice.

     c.  Nature of proceedings -  The proceedings shall be non-litigious and summary in nature without regard to legal technicalities obtaining in courts of law.  The rules of Court shall not apply in said hearing except by analogy or in a suppletory character and whenever practicable and convenient.

     d.  Power incidential to the hearings - For the purpose of the hearing or other proceedings under this Decree the officer or officers designated to hear the complaint shall have the power to administer oath, subpoena witnesses, conduct ocular inspections; take depositions, and require the production of any book, paper, correspondence, memorandum or other record which are deemed relevant or material to the inquiry."

Kahit sino pong naagrabyadong buyer ay pwedeng mag file ng reklamo, but of course, kelangan kumpleto sya sa documentary evidence.  Napaka importante ng maitago ninyo ang mga papeles kaugnay ng bilihan.  Ang mga developer ay di agad nagbibnigay ng Contract to Sell at ang katwiran nila ay ipapa-notaryo pa.  Gawa agad kau ng copy bago nyo isoli sa kanila ang kontrata.

Balikan po natin ang Section 4 & 5.  Ito po ay tungkol sa registration at  license to sell.  Marami na ang nagtanong sa akin paano daw malalaman kung my license to sell na ang isang subd.  Unahin muna natin ang Section 4 - Registration of Projects - The registered owner of parcel of land who wishes to convert the same into a subdivision project shall submit his subdivision plan to the Authority which shall act upon and approve the same, upon a finding that the plan complies with the Subdivision Standards and Regulations enforceable at the time the plan is submitted.  The same procedure shall be followed in the case of a plan for a condominium project except that, in addition, said Authority shall act upon and approve the plan with respect to the building or buildings included in the condominium project in  accordance with the National Building Code )R.A.No. 6541.

The subdivision plan, as so approved, shall then be submitted to the Director of Lands for approval in accordance with the procedure prescribed in Section 44 of the Land Registration Act (Act No. 496, as amended by R.A. No. 440): Provided, that IN CASE OF COMPLEX SUBDIVISION PLANS, COURT APPROVAL SHALL NO LONGER BE REQUIRED.  The condominium plan, as likewise so approved, shall be submitted to the Register of  Deeds of the province or city in which the property lies and the same shall be acted upon subject to the conditions and in accordance with the procedure prescribed in Section 4 of  the Condominium Act (R,A,  No. 4726).

The owner of the real estate dealer interested in the sale of  lots or units, respectively, in such subdivision project or condominium project shall register the project with the Authority by filing therewith a sworn registration statement containing the following information:

    
May mga alintuntunin ang mga developer sa pag file ng license to sell na dapat sundin at hindi ko na inilagay kasi sa developer lang yun.  kung hindi sila makakasunod duon ay hindi sila isyuhan ng license to sell.

SECTION 5- License to Sell. - Such owner or dealer to whom has been issued a registration certificate shall not, however, be authorized to sell any subdivision lot or condominium unit in the registered project unless shall have first obtained a license to sell the project within two weeks from the registration of such project.

     The Authority, upon proper application therefor, shall issue to such owner or dealer of a registered project a license to sell that project if, after an examination statement filled by said owner or dealer and all the pertinent documents attached hereto, he is convinced that the owner or dealer is of good repute, that his business is financially stable, and that the proposed sale of the subdivision lots or condominium units to the public would not be fraudulent.

Malinaw ang sabi ng batas na hindi pwedeng magbenta ang isang subdivision kung wala pa silang license to sell.  Pag sila ay nagbenta o yung tinatawag na pre-selling, problema na nila yun kung dumating ang panahong may mag reklamo, sure talo sila sa kaso.

Madami ang mga sections   ang mahalagang malaman pero sa next issue ko na lang isulat, tulad ng time of completion, mortgages at non-forfeiture of payments.  Sa last week  ng March ko i-post kaya abangan nyo na lang at ang haba kasi..

Kung meron na kayong katanungan ay e-mail kayo sa jv7lands@yahoo.com and jobaltazar2000@yahoo.com or call or text sa 0916-734-1637 sa globe at ang sun ay 0932-1138-538

Meron ng mga na-revised na batas or addendum sa PD 957  but as of now ay wala  akong copy kaya di ko maisulat dito.

                                           to be continued . . . . .






Friday, February 15, 2013

CROWN ASIA - Valenza


CROWN ASIA
A Vista Land Company
Living at Finer Standards

Crown Asia is a subsidiary of Vista Land.  Each home under the Crown Asia banner carries with is Vista Land's unparalleled skill in space planning, innate knack for selecting accessible and attractive locations and keep grasp of what the Filipino family in the upper middle marklet needs and is looking for.


VALENZA  at Sta Rosa, Laguna launched in the year 2005.  Valenza caters to higher mid-class families that dreams of having all necessities needed within reach without the hustle and bustle of the city.  This community boasts of a very prime location where no other projects can beat.

 VALENZA  is a part of the Vista Lands masterplanned community- Sta Elena City.  This master plan, a partnership of the company with the Quiros family, is a 300-hectare community that will provide its residents the most realistic and convenient way of living.

I can't think of any adjective in superlative degree  to explain what is VALENZA.  Its location says it all.  It is so close to wet & dry market, robinson supermarket, hospital, schools public transportation, business center, enchanted kingdon.   At the opposite side of the road is the Solenad of Nuvali.  Aside from its own amenities like Swimming Pool,  Basketball Court,  Tennis Court,  Function Rooms good for 150 heads and Children's Playground, it is also benefited from the amenities of  Nuvali,  Paseo de Sta Rosa at mga first class na Schools like La Salle Canlubang, St. Scholastica's College, Don Bosco Canlubang Ateneo MBA and a lot more.











It consists of 3 phases, phase 1 - 10 hectares, phase 2, 3.7 hectares and phase 3, 8 hectares with average lot cut of 160 sqm.  A lot of  house model to choose from.  Price ranging from 5m to 11.8m.  15% to 20%  downpayment  and balance can be availed thru In-house and Bank financing.  Minimum of 2 security guards per gate and round the clock roaming security with well trained security personnel.  Association dues is Php 1,350.00/household.








Mktg Coord. Mark de Leon and Ella Ocampo


Click the link :  http://www.youtube.com/watch?v=Nw_HFI5fZjg for video viewing  the inside of Lladro model unit.  Lladro model is 211 sqm, floor area and the lot area is 180 sqm.  Classic list price is Php 9,163,098 and the luxury list price is Php 10,084,324.

"The good life is about making beautiful memories, and  that's what you enjoy everyday in Valenza Sta, Rosa, Laguna"  see for yourself . . . . . 

You may send you inquiry at jv7lands@yahoo.com or jobaltazar2000@yahoo.com

                                                    -oOo-

 JOKE MUNA PARA MASAYA

 







Thursday, January 3, 2013

CROWN ASIA-Fortezza, Cabuyao, Laguna




 Joke muna para masaya


Anak:  Itay, itay! Sabi ng teacher namin ay ang ama ang haligi ng tahanan, ano naman po ang Nanay?

Ama:  Sabihin mo sa teacher mo, ang ina ang pampatigas ng haligi.

                                           -oOo- 

Sa isang kahariaan, nagbigay ng utos ang Hari na aalisin na ang letrang "O" at papalitan na ito ng letrang "i".  At sinabi ng hari na simula sa araw na iyon ay ang pangalan niya ay Haring Pogi at hindi na Haring Pugo.

Tumalikod at umalis na malungkot si "kiko" at si "Tito"

                                               -oOo- 

Pare 1:  Wow, iyan ba ang inaanak ko pare?  Ang laki na ah.

Pare2:  Ito nga pare at napasok na yan sa prep, matalino yan pare lalo na sa math.

Pare1:  Talaga! ! !  one plus one?

Inaanak:  Two!!!

Pare 1:  2 plus 2?

Inaanak:  Four

Pare1:  Wow ang galing ah, what is your name?

Inaanak:  Eight . . . . . .

 

Crown Asia
 a vista land company

Ipinapakilala ko sa inyo ang isa sa mga da best subdivision dito sa Cabuyao, Laguna,  in terms of location, development at price.  Ito ang Fortezza Subdivision ng Crown Asia.  isa  ito sa pinakamaganda subdivision sa Cabuyao, Laguna.  With perimeter fence,  24 hrs. security.  Tahimik ang lugar, malapit lang sa SLEX at may commercial area sa harapan.  Ngayong 2013, isa ito sa magiging focus project ng Sevenlands Realty.

May ilan pang natitirang unit as of this writing.  Aside sa Phase 1 and 2, meron pang natitirang malaking open space na baka maging phase 3 although wala pa silang ini-a-announce tungkol dito.  Marami na ang mga nakatira at merong nakalaang shuttle service to serve the resident upang ihatid at sunduin ang mga residente na nasa labas (national highway).



Malapit ito sa lahat!  Well, ano ba yung lahat?  Malls, Hospitals, Schools (private & public), wet & dry market, house of worship, SLEX,  Enchanted Kingdom,  Eton, Nuvali, Paseo de Sta Rosa,  Public transport terminals that will bring you to Metro Manila, Batangas, Sta Cruz Laguna, and Lucena Quezon. Hot Spring sa Pansol at Tagaytay Road going to Tagaytay or Nasugbu Batangas,  Flood free ang location at para kang nasa province lang while enjoying the amenties of the city.

Ang price ay 3m to 7m at ang pinakamaliit na lot ay 88 sqm. at ang malaki ay mga 300 sqm.  Ang size naman ng bahay ay ang pinakamaliit ay 86 sqm. at ang malaki naman ay 177 sqm.  Nasa mahigit 25k ang monthly amortization thru bank financing ng 86 sqm na floor area at nasa 50k monthly naman ang 150 sqm na floor area..

club house
commercial area along the diversion road of san isidro - pulo





Here is the link na nasa youtube http://www.youtube.com/watch?v=r5PTT8YiZyA.  Kung ung model house naman ay madami akong video just visit ninyo ang youtube-jgbaltazar6789 or click .http://www.youtube.com/user/jgbaltazar6789.  Meron itong clubhouse at may swimming pool, grand pavillon,  basketball court, overhead tank, at 24 hrs security.

For more infos, e-mail  jv7lands@yahoo.com or jobaltazar2000@yahoo.com



Q: Why doesn't an igloo melt inside?
A: The igloo, a temporary winter hunting shelter to the Alaskan Eskimo does, in fact, melt inside, but not to a great extent.

The snowflakes falling outside of the igloo, in the harsh Alaskan winter, quickly melt when they land on its roof, and provide a replacement layer of insulation for the igloo. The ongoing freezing and re-freezing of the igloo, hardens it, and transforms the blocks of snow the Eskimos used in the construction process into a solid, icy, domed refuge. The igloo can now withstand the weight of a massive polar bear, should one happen along and have the urge to play "king of the mountain."

Tuesday, November 27, 2012

HLURB AT MGA KARANIWANG TANONG NG BUYER


JOKE MUNA PARA MASAYA

Girl: O sige payag na akong lumabas tayo at mag sex, puntahan mo ako sa bahay at magpaalam tayo sa tatay ko na manonood lang ng sine tapos ay bahala ka na kung saan tayo pupunta pero tatlong oras lang h?
Guy: O sige mga 7:00 p.m. ang dating ko. (punta sa botika at bibili ng CONDOM)
Pharmacist: Ilang Condom?
Guy: Isa...dalawa na...eh, tatlo...isang kahon na, tatlong oras na upakan ito, Pare.
Nang dumating ang lalake sa bahay ng babae:
Girl: Tuloy ka, upo ka muna at ipakikilala kita sa Daddy ko... Dad boyfriend ko po manonood po kami ng sine ngayon.
Guy: (Tahimik, nakayuko, walang imik, pinapawisan ng malapot, nakapikit ang mga mata habang nakaupo.)


MGA KATANUNGAN NG BUMIBILI NG HOUSE & LOT

Marami na akong na encounter na mga buyer ng lupa lalo na sa mga house & lot.  Halos iisa naman ang mga tanong nila kaya iisa rin ang paulit-ulit kong sagot.  Sa mga balak pa lang bumili ng house & lot ay pwedeng  ito ang maging basis ninyo sa inyong pagbili ng lupa at pwede rin ninyong itanong at tingnan ninyo kung ano ang isasagot nila at baka madagdagan pa lalo ang inyong kaalaman.
Napansin  ko rin na maramin ang nagvi-visit sa How to file Complaint sa HLURB.  Madami kasi sa mga buyer ngayon ng house & lot ay nabibigla sa pagbili.  Pag bumili yung kaibigan at mura ay nae-encourage narin tapos marealize na malayo pala, pangit ang development at kung ano-ano pang dahilan na nauuwi sa pag back-out.  Hindi naman ganun kadali ang mag back-out at pati developer ay napu-purhuwisyo.Bago bumili ng house & lot, sumanguni sa mga magulang o nakakatandang kapatid at malaki kasing halaga ang inyong bibitiwang pera.

Isa pa ay mag ingat sa mga agent na hindi naman ganuong karunong at ang mahalaga lang ay makabenta at makapagpa-reserve kasi kalimitan ay may mga promo ang developer na cash incentives sa mga agent kaya ang alam lang ay manulsol para magbayad ka kaagad ng araw na iyon.  Marami sa mga agent ngayon ay hindi alam ang meaning ng Pag-Ibig.  (Pag-tutulungan- Ikaw, Banko, Industriya at Gobyerno).  Kunin nio ang CP # at email add ng agent kasi mahirap ng habulin yan pag nagkaproblema.  Anyway. may EO #9646 para masala ang mga ahente at hindi pwede yung basta agent na lang.  kung maari ay duon sa broker ng agent kayo maka-pag close ng transaction kung sa tingin ninyo ay hindi ok ang agent .  Marami din naman ang mga magagaling na agent at marunong sumagot.

Bakit mas malaki pa ang sukat ng bahay kesa sa sukat ng lupa?

Kung ang sukat ng ground floor ay 22 sqm. at ang second floor ay 22 sqm din bale ang sukat ng Floor Area mo ay 44sqm samantalang ang lote mo ay 36 sqm. lang.

Bakit may sukat na mas malaki ang ground floor?
 
May mga yari ng bahay na nasa labas ang toilet.  Ang toilet ay bahagi ng floor area at sa second floor naman ay walang toilet kaya mas malaki ang ground floor at ganundin pag may mga model  house na may garahe, maiiba din ang sukat ng ground floor kaysa sa 2nd floor.

 Bakit magkaiba ang computation ng equity samantalang isang unit lang naman ang binibili? 

May mga yari ng bahay na tinatawag na “BARE” , “SEMI-COMPLETE”, at “COMPLETE”.  Ipinapa-aprub yan ng developer sa Pag-ibig kung magkano pwedeng i-loan.  Let say, ang cost ng bahay ay 700K at aprub sya sa pag-ibig ng 600k ang “Bare Model,  it means na 100k ang equity, minsan included na ang mga other expenses tulad ng HOA, Electricity, Mortgage, Processing Fee at Occupancy, kaya kung ang bibilhin mo ay semi-complete or complete, of course mas mahal sya pero the same ang aprub loan sa pag ibig kaya lalaki ang iyong equity.    Minsan ay naka bukod  ang bayad para lumiit ang price at minsan nagugulat ang buyer kasi  hindi sinasabi yan ng ibang  mga agent sa buyer kung hindi itatanong.  Kaya pag-lilipat na ang bumili ay nagugulat at bakit marami pa siyang babayaran.  Wala ka magagawa kundi ang magbayad at tapos ay mumurahin mo na lang ang ahente ng hindi naman niya naririnig.  Ngayon ang mga developer ay may mga tao ng nag o-orient sa buyer kung magkano ang mga babayaran at paglipas ng mga 1 year ay hahanapin ang agent, kasi nalimutan na ung orientation, bago bilhin ng buyer at itatanong kung bakit may babayaran na ganuong kalaki.  Kasama ngayon sa orientation ang mga babayaran pero hindi lahat ng developer ay gumagawa niyan.

Saan magandang umutang, sa Banko o sa Pag-ibig?

 Mas maganda sa pag ibig kung ang uutangin mo ay mga mga 500 k lang pero kung mga 1m and above ay mas maganda sa banko.  Napakaliit ng interest ngayon sa Bangko kaya lang ay mas marami silang hinihingi na mga docs.

Ano-ano ang mga required docs sa pagbili ng house & lot?

Kailangan sa pagbabayad mo ng reservation application ay may dala ka ng copy `ng company ID at mga 2 pictures.  Papipirmahin ka kaagad ng Reservation application pagkatapos ng orientation at bibigyan ka ng OR sa pagbabayad mo ng reservation fee.  Gawa ka kaagad ng folder at duon mo lahat ipunin ang mga docs na related sa inyong bilihan.  Make sure na ipa-receive sa clerk ng developer  ang mga susunod na mga docs at sakit na ng mga clerk na iwala ang mga isinubmit mong mga docs.

Ang mga docs na to-follow ay MSVS.  A-attend ka ng seminar sa pag-ibig at bibigyan ka ng kapirasong papel at nakalagay duon ang date kung kelangan mo makukuha ang MSVS mo.  Kukuha ka rin ng COEC sa company at ipapa-notaryo mo iyon  at minsan ay nahingi din ang developer ng copy ng pag-ibig contribution mo.  Pwede ka lang umutang sa pag-ibig kung ikaw ay 2 years member na ng Pag-ibig, kung hindi pa, kelangan mo munang magbayad ng 12 consecutive months  sa pag-ibig contribution at ung remaining 12 mos ay pwede mo ng bayaran ng biglaan.  Baka hindi na ako update sa procedure na ito kaya mas magandang itanong mo iyan sa developer kung paano kung kulang ka pa ng 2years member ng pag-ibig.

Magsa-submit ka rin ng Income tax return mo at last 3mos payslip mo, sedula, proof of billing address, at ipa-drawing pa ung location ng bahay mo at tseke.  Kung wala ka pang tseke ay baka bigyan ka nila ng recommendation kung saan ka makakakuha ng tseke na maliit lang maintaining balance.  May buy back na kasi ngayon ang pag-ibig loan na ang ibig sabihin ay kung mag back out ka ng wala pang 3yrs ay isosoli ng pag-ibig sa developer ung hse & lot.  Kung nakabayad ka na ng 2 years ay pwede ka ng mag demand na isoli sau ang 50% ng naihulog mo sa developer  ayon sa maceda law.  Pero hindi yan ibibigay ng developer kaya kailangan kang  mag-file ka ng reklamo sa HLURB.  Depende yan kung bakit hindi mo na nakaya pang ituloy ang loan mo.

Kailan dapat bumili ng lupa?

 Para sa akin ay mas magandang bumili kung  pre-development pa lamang ang isang subd.  Ang rules ng HLURB ay kelangan mga 30% na ang development bago mag issue ng License to Sell.  Number one ay sure na iyon ang pinakamurang presyo kasi ang iniunang ibenta ng developer ay yung nasa pinakamalayong lugar kaya kung ang hanap mo ay mura bumili ka kaagad kung pre-developed pa lang ang subd.  Pangalawa,  kung nakabili ka bago pa lang mag-issue ng License to Sell at nagluko ang developer ay mas malamang na mabawi mo ang pera mo pag nag-back-out ka.  Hindi pumapayag ang HLURB sa Pre-Selling kaya laging  talo ang developer sa kaso pag ang bentahan ay naganap bago paman sila magkaroon ng License to Sell.

Magkano ang pwedeng kong utangin sa Pag-Ibig?

Ang pag-loan sa pag ibig ay base sa laki ng sweldo mo.  Ang pwede mo lang mautang ay 40% ng iyong (NDI) net disposable income.  Kung ang net income mo ay 10k, pwede kang makautang sa pag ibig ng halagang 4,000k monthly ang hulog.  Pag nag net ka ng 10k ay ang dapat sweldo mo ay mahigit 12k/month. Pwede kang mag loan sa pag-Ibig ng maximum ng 3M.

Pwede bang isama sa income ko ang family business namin?

Unahin ko muna ang sweldo ng gf/bf.  May ganiyan akong buyer eh.  Hindi pwedeng isama ang sweldo ng partner mo o ka live-in sa income mo.  Ang kailangan ay legally married kayo.  Kung ang business ninyo ay kasama ang name mo ay pwedeng gamitin yan as additional income, tulad ng tricycle kung naka rehistro sa iyo at ganun din ang jeep.  Makikita naman sa ITR mo kung magkano ang tax mo every year.  Indi pwedeng dayain maliban na lang kung magaling kang mandaya.  Merong mga developer na tinutulungan ang kanilang buyer upang makapag additional income kung kulang ang sweldo ng kanilang buyer at ginawa ko na rin iyan nuon araw. (madaya din ako).

Paano kung ma-reject ng Pag-Ibig ang loan ko?

Sa mga mahuhusay ng developer ay hindi mangyayari yun kasi bago nila tanggpin ang pera mo ay may preliminary interview silang gagawin sau.  Kung hindi ka pwede sa Pag Ibig ay di nila matatangap ang bayad mo lalo na yung mga nakautang na.  One time ka lang kasi pwedeng umutang ng housing loan sa Pag-Ibig.  May buyer ako nuon na na-reject ang loan niya kasi may kinuha na pala siya nuon na hindi niya itinuloy.  Buti na lang at nailipat niya sa asawa ung loan kaya hapi ending parin.

Paano kung matangal ako sa trabaho at wala na akong kapasidad na magbayad, Pwede ko bang i-transfer sa kapatid o sa kaibigan ung loan ko?

Problema talaga yan, madami na akong na-encounter na ganiyan.  Hindi madaling maglipat ng loan at hindi na napayag ang pag-ibig ng transfer of rights.  Pwede mong ibenta sa iba ang bahay mo at bayaran mo ang pag-ibig.  Naka mortgage kasi ang title mo sa pag-ibig at yun ay nasa pangalan mo na kaya hindi madaling maglipat ng loan.  Para kaunti lang ang hirap ay pwede kayong mag pagagawa ng memorandum of agreement  in between you and your buyer  lang iyun, ilapit na iyan sa abugado at mas alam nila ang gagawin diyan.

Kung sakop ka na ng maceda law, pwede kang mag request ng refund at kung hindi at ang bilihan ninyo ay naganap bago pa magka license to sell ang developer, may pag asa kang makuha ang pera mo basta mag file ka ng reklamo sa HLURB at kung nasa lugar naman ang developer ay goodbye na lang sa pera mo.

Paano kung mag reserve ako tapos indi ko itinuloy, mababawi ko ba reservation ko?

HINDI NA!  Pwede mong makuha yan kung may maganda kang dahilan lalo na at may mali sa presentation ng ahente pero madaming pabalik-balik yan sa opisina at sa hahabulin mong 5k or 10k ay baka kaunti na lang ang matira sa pagpunta mo duon.  Kaya ung ibang developer ay may pre-orientation muna sa buyer bago tanggapin nila ang pera mo.

Ang lahat ng nakasulat d2 ay ayon lang sa akin at walang kinalaman d2 ang Pag-Ibig, Developer at HLURB.  Mga kalimitang tanong lang sa akin iyan ng mga nagnanais bumili ng bahay at lupa at diyan lang umiikot ang mga sagot ko .  Kung may mga tanong kayo na hindi kasali dito ay pwede ninyo akong i-email sa jv7lands@yahoo.com or jobaltazar2000@yahoo.com.   Next time uli

Q: Why do golf balls have dimples?

A: Because the dimples maximize the distance golf balls travel. Dimpled balls travel up to four times farther than smooth-surfaced golf balls.

In the early days of golf, smooth-surfaced balls were used until golfers discovered that old, bumpy balls traveled longer distances. The science of aerodynamics helps explain the dimpled phenomenon. The dimples reduce the drag on a golf ball by redirecting more air pressure behind the golf ball rather than in front of it. The higher levels of pressure behind the golf balls force them to go far distances.