Tuesday, November 27, 2012

HLURB AT MGA KARANIWANG TANONG NG BUYER


JOKE MUNA PARA MASAYA

Girl: O sige payag na akong lumabas tayo at mag sex, puntahan mo ako sa bahay at magpaalam tayo sa tatay ko na manonood lang ng sine tapos ay bahala ka na kung saan tayo pupunta pero tatlong oras lang h?
Guy: O sige mga 7:00 p.m. ang dating ko. (punta sa botika at bibili ng CONDOM)
Pharmacist: Ilang Condom?
Guy: Isa...dalawa na...eh, tatlo...isang kahon na, tatlong oras na upakan ito, Pare.
Nang dumating ang lalake sa bahay ng babae:
Girl: Tuloy ka, upo ka muna at ipakikilala kita sa Daddy ko... Dad boyfriend ko po manonood po kami ng sine ngayon.
Guy: (Tahimik, nakayuko, walang imik, pinapawisan ng malapot, nakapikit ang mga mata habang nakaupo.)


MGA KATANUNGAN NG BUMIBILI NG HOUSE & LOT

Marami na akong na encounter na mga buyer ng lupa lalo na sa mga house & lot.  Halos iisa naman ang mga tanong nila kaya iisa rin ang paulit-ulit kong sagot.  Sa mga balak pa lang bumili ng house & lot ay pwedeng  ito ang maging basis ninyo sa inyong pagbili ng lupa at pwede rin ninyong itanong at tingnan ninyo kung ano ang isasagot nila at baka madagdagan pa lalo ang inyong kaalaman.
Napansin  ko rin na maramin ang nagvi-visit sa How to file Complaint sa HLURB.  Madami kasi sa mga buyer ngayon ng house & lot ay nabibigla sa pagbili.  Pag bumili yung kaibigan at mura ay nae-encourage narin tapos marealize na malayo pala, pangit ang development at kung ano-ano pang dahilan na nauuwi sa pag back-out.  Hindi naman ganun kadali ang mag back-out at pati developer ay napu-purhuwisyo.Bago bumili ng house & lot, sumanguni sa mga magulang o nakakatandang kapatid at malaki kasing halaga ang inyong bibitiwang pera.

Isa pa ay mag ingat sa mga agent na hindi naman ganuong karunong at ang mahalaga lang ay makabenta at makapagpa-reserve kasi kalimitan ay may mga promo ang developer na cash incentives sa mga agent kaya ang alam lang ay manulsol para magbayad ka kaagad ng araw na iyon.  Marami sa mga agent ngayon ay hindi alam ang meaning ng Pag-Ibig.  (Pag-tutulungan- Ikaw, Banko, Industriya at Gobyerno).  Kunin nio ang CP # at email add ng agent kasi mahirap ng habulin yan pag nagkaproblema.  Anyway. may EO #9646 para masala ang mga ahente at hindi pwede yung basta agent na lang.  kung maari ay duon sa broker ng agent kayo maka-pag close ng transaction kung sa tingin ninyo ay hindi ok ang agent .  Marami din naman ang mga magagaling na agent at marunong sumagot.

Bakit mas malaki pa ang sukat ng bahay kesa sa sukat ng lupa?

Kung ang sukat ng ground floor ay 22 sqm. at ang second floor ay 22 sqm din bale ang sukat ng Floor Area mo ay 44sqm samantalang ang lote mo ay 36 sqm. lang.

Bakit may sukat na mas malaki ang ground floor?
 
May mga yari ng bahay na nasa labas ang toilet.  Ang toilet ay bahagi ng floor area at sa second floor naman ay walang toilet kaya mas malaki ang ground floor at ganundin pag may mga model  house na may garahe, maiiba din ang sukat ng ground floor kaysa sa 2nd floor.

 Bakit magkaiba ang computation ng equity samantalang isang unit lang naman ang binibili? 

May mga yari ng bahay na tinatawag na “BARE” , “SEMI-COMPLETE”, at “COMPLETE”.  Ipinapa-aprub yan ng developer sa Pag-ibig kung magkano pwedeng i-loan.  Let say, ang cost ng bahay ay 700K at aprub sya sa pag-ibig ng 600k ang “Bare Model,  it means na 100k ang equity, minsan included na ang mga other expenses tulad ng HOA, Electricity, Mortgage, Processing Fee at Occupancy, kaya kung ang bibilhin mo ay semi-complete or complete, of course mas mahal sya pero the same ang aprub loan sa pag ibig kaya lalaki ang iyong equity.    Minsan ay naka bukod  ang bayad para lumiit ang price at minsan nagugulat ang buyer kasi  hindi sinasabi yan ng ibang  mga agent sa buyer kung hindi itatanong.  Kaya pag-lilipat na ang bumili ay nagugulat at bakit marami pa siyang babayaran.  Wala ka magagawa kundi ang magbayad at tapos ay mumurahin mo na lang ang ahente ng hindi naman niya naririnig.  Ngayon ang mga developer ay may mga tao ng nag o-orient sa buyer kung magkano ang mga babayaran at paglipas ng mga 1 year ay hahanapin ang agent, kasi nalimutan na ung orientation, bago bilhin ng buyer at itatanong kung bakit may babayaran na ganuong kalaki.  Kasama ngayon sa orientation ang mga babayaran pero hindi lahat ng developer ay gumagawa niyan.

Saan magandang umutang, sa Banko o sa Pag-ibig?

 Mas maganda sa pag ibig kung ang uutangin mo ay mga mga 500 k lang pero kung mga 1m and above ay mas maganda sa banko.  Napakaliit ng interest ngayon sa Bangko kaya lang ay mas marami silang hinihingi na mga docs.

Ano-ano ang mga required docs sa pagbili ng house & lot?

Kailangan sa pagbabayad mo ng reservation application ay may dala ka ng copy `ng company ID at mga 2 pictures.  Papipirmahin ka kaagad ng Reservation application pagkatapos ng orientation at bibigyan ka ng OR sa pagbabayad mo ng reservation fee.  Gawa ka kaagad ng folder at duon mo lahat ipunin ang mga docs na related sa inyong bilihan.  Make sure na ipa-receive sa clerk ng developer  ang mga susunod na mga docs at sakit na ng mga clerk na iwala ang mga isinubmit mong mga docs.

Ang mga docs na to-follow ay MSVS.  A-attend ka ng seminar sa pag-ibig at bibigyan ka ng kapirasong papel at nakalagay duon ang date kung kelangan mo makukuha ang MSVS mo.  Kukuha ka rin ng COEC sa company at ipapa-notaryo mo iyon  at minsan ay nahingi din ang developer ng copy ng pag-ibig contribution mo.  Pwede ka lang umutang sa pag-ibig kung ikaw ay 2 years member na ng Pag-ibig, kung hindi pa, kelangan mo munang magbayad ng 12 consecutive months  sa pag-ibig contribution at ung remaining 12 mos ay pwede mo ng bayaran ng biglaan.  Baka hindi na ako update sa procedure na ito kaya mas magandang itanong mo iyan sa developer kung paano kung kulang ka pa ng 2years member ng pag-ibig.

Magsa-submit ka rin ng Income tax return mo at last 3mos payslip mo, sedula, proof of billing address, at ipa-drawing pa ung location ng bahay mo at tseke.  Kung wala ka pang tseke ay baka bigyan ka nila ng recommendation kung saan ka makakakuha ng tseke na maliit lang maintaining balance.  May buy back na kasi ngayon ang pag-ibig loan na ang ibig sabihin ay kung mag back out ka ng wala pang 3yrs ay isosoli ng pag-ibig sa developer ung hse & lot.  Kung nakabayad ka na ng 2 years ay pwede ka ng mag demand na isoli sau ang 50% ng naihulog mo sa developer  ayon sa maceda law.  Pero hindi yan ibibigay ng developer kaya kailangan kang  mag-file ka ng reklamo sa HLURB.  Depende yan kung bakit hindi mo na nakaya pang ituloy ang loan mo.

Kailan dapat bumili ng lupa?

 Para sa akin ay mas magandang bumili kung  pre-development pa lamang ang isang subd.  Ang rules ng HLURB ay kelangan mga 30% na ang development bago mag issue ng License to Sell.  Number one ay sure na iyon ang pinakamurang presyo kasi ang iniunang ibenta ng developer ay yung nasa pinakamalayong lugar kaya kung ang hanap mo ay mura bumili ka kaagad kung pre-developed pa lang ang subd.  Pangalawa,  kung nakabili ka bago pa lang mag-issue ng License to Sell at nagluko ang developer ay mas malamang na mabawi mo ang pera mo pag nag-back-out ka.  Hindi pumapayag ang HLURB sa Pre-Selling kaya laging  talo ang developer sa kaso pag ang bentahan ay naganap bago paman sila magkaroon ng License to Sell.

Magkano ang pwedeng kong utangin sa Pag-Ibig?

Ang pag-loan sa pag ibig ay base sa laki ng sweldo mo.  Ang pwede mo lang mautang ay 40% ng iyong (NDI) net disposable income.  Kung ang net income mo ay 10k, pwede kang makautang sa pag ibig ng halagang 4,000k monthly ang hulog.  Pag nag net ka ng 10k ay ang dapat sweldo mo ay mahigit 12k/month. Pwede kang mag loan sa pag-Ibig ng maximum ng 3M.

Pwede bang isama sa income ko ang family business namin?

Unahin ko muna ang sweldo ng gf/bf.  May ganiyan akong buyer eh.  Hindi pwedeng isama ang sweldo ng partner mo o ka live-in sa income mo.  Ang kailangan ay legally married kayo.  Kung ang business ninyo ay kasama ang name mo ay pwedeng gamitin yan as additional income, tulad ng tricycle kung naka rehistro sa iyo at ganun din ang jeep.  Makikita naman sa ITR mo kung magkano ang tax mo every year.  Indi pwedeng dayain maliban na lang kung magaling kang mandaya.  Merong mga developer na tinutulungan ang kanilang buyer upang makapag additional income kung kulang ang sweldo ng kanilang buyer at ginawa ko na rin iyan nuon araw. (madaya din ako).

Paano kung ma-reject ng Pag-Ibig ang loan ko?

Sa mga mahuhusay ng developer ay hindi mangyayari yun kasi bago nila tanggpin ang pera mo ay may preliminary interview silang gagawin sau.  Kung hindi ka pwede sa Pag Ibig ay di nila matatangap ang bayad mo lalo na yung mga nakautang na.  One time ka lang kasi pwedeng umutang ng housing loan sa Pag-Ibig.  May buyer ako nuon na na-reject ang loan niya kasi may kinuha na pala siya nuon na hindi niya itinuloy.  Buti na lang at nailipat niya sa asawa ung loan kaya hapi ending parin.

Paano kung matangal ako sa trabaho at wala na akong kapasidad na magbayad, Pwede ko bang i-transfer sa kapatid o sa kaibigan ung loan ko?

Problema talaga yan, madami na akong na-encounter na ganiyan.  Hindi madaling maglipat ng loan at hindi na napayag ang pag-ibig ng transfer of rights.  Pwede mong ibenta sa iba ang bahay mo at bayaran mo ang pag-ibig.  Naka mortgage kasi ang title mo sa pag-ibig at yun ay nasa pangalan mo na kaya hindi madaling maglipat ng loan.  Para kaunti lang ang hirap ay pwede kayong mag pagagawa ng memorandum of agreement  in between you and your buyer  lang iyun, ilapit na iyan sa abugado at mas alam nila ang gagawin diyan.

Kung sakop ka na ng maceda law, pwede kang mag request ng refund at kung hindi at ang bilihan ninyo ay naganap bago pa magka license to sell ang developer, may pag asa kang makuha ang pera mo basta mag file ka ng reklamo sa HLURB at kung nasa lugar naman ang developer ay goodbye na lang sa pera mo.

Paano kung mag reserve ako tapos indi ko itinuloy, mababawi ko ba reservation ko?

HINDI NA!  Pwede mong makuha yan kung may maganda kang dahilan lalo na at may mali sa presentation ng ahente pero madaming pabalik-balik yan sa opisina at sa hahabulin mong 5k or 10k ay baka kaunti na lang ang matira sa pagpunta mo duon.  Kaya ung ibang developer ay may pre-orientation muna sa buyer bago tanggapin nila ang pera mo.

Ang lahat ng nakasulat d2 ay ayon lang sa akin at walang kinalaman d2 ang Pag-Ibig, Developer at HLURB.  Mga kalimitang tanong lang sa akin iyan ng mga nagnanais bumili ng bahay at lupa at diyan lang umiikot ang mga sagot ko .  Kung may mga tanong kayo na hindi kasali dito ay pwede ninyo akong i-email sa jv7lands@yahoo.com or jobaltazar2000@yahoo.com.   Next time uli

Q: Why do golf balls have dimples?

A: Because the dimples maximize the distance golf balls travel. Dimpled balls travel up to four times farther than smooth-surfaced golf balls.

In the early days of golf, smooth-surfaced balls were used until golfers discovered that old, bumpy balls traveled longer distances. The science of aerodynamics helps explain the dimpled phenomenon. The dimples reduce the drag on a golf ball by redirecting more air pressure behind the golf ball rather than in front of it. The higher levels of pressure behind the golf balls force them to go far distances.

Saturday, November 17, 2012

JOKES, MOTIVATING STORY AT TRIVIA


                JOKE MUNA PARA MASAYA

Battle of the Brainless  
                  
MC:  Sino ang National Hero natin na ang pangalan ay nagsisimula sa N. A. (Ninoy Aquino)
Contestant:  Nora Aunor !
MC:  Mali, “Y” ang huling letra ng kanyang palayaw
Contestant:  Guy Aunor
MC:  Hindi, Dating Senador ito.
Contestant:  Former Senator Guy Aunor
MC:  Hindeeee!  Patay na siya.
Contestant:  Diyos ko, Patay na si Nora Aunor?????

                                    -oOo-

MC:  Ano ang tawag sa mga taong sumasagip sa mga naliligo sa beach?  (Lifeguard)
Contestant:   Sirena.
MC:  Hinde,  Hindi babae, hindi lalaki ito.
Contestant:  Siyoke!
MC:  Lalong mali.  Malapit ito sa pangalan ng sabon.
Contestant:  Safeguard.
MC:  Hindi, pero malapit na.
Contestant:  Lifebouy.
MC:  Hindi, pagsamahin mo yung huling 2 sagot mo.
Contestant:  Safebouy.
MC:  Hindi, kalimitan ay malalaki ang katawan nito.
Contestant:  Ahhhh.  MR. CLEAN.

                             -oOo-

MC:  Ano ang pambansang bulaklak ng Pilipinas.  Nagsisimula sa letrang “S” (Sampaguita)
Contestant:  Sunflower
MC:  Hindi, ibinebenta ito sa kalye
Contestant:  Stork
MC:  Hindi.  Bulaklak nga eh.
Contestant:  Sitsarong Bulaklak.
MC:  Hindeehhhh.  Letter “A” ang huli
Contestant:  Sitsarong blulaklak na may sukA
MC:  Hindeh.  Sige dagdagan ko ang clue.  May kapangalan itong singer.
Contestant:  Sharon Cuneta.

                    -oOo-

Recently a survey was conducted by the U.N. worldwide.

The question asked was, "Would you please give your opinion about the food shortage in the rest of the world?"

The survey was a huge failure.

In Africa they did not know what 'food' meant.
In Western Europe, they did not know what 'shortage' meant.
In Eastern Europe they did not know what 'opinion' meant.
In South America they did not know what 'please' meant.
And in the U.S. they did not know what 'the rest of the world' meant.

                      -oOo-


Quick Wit

A woman walked up to the manager of a department store. "Are you hiring any help?" she asked.

"No," he said, "We already have all the staff we need."

"Then would you mind getting someone to wait on me?"
she asked.


A woman walks into a shop that sells VERY EXPENSIVE PERSIAN RUGS.

She looks around and spots the perfect rug and walks over to inspect it. As she bends to feel the texture of the rug she farts loudly. Very embarrassed she looks around nervously to see if anyone has noticed her little accident and hopes a sales person does not pop up right now.

As she turns back, there standing next to her is a salesman. "Good day Ma'am, how may we help you today?"

Very uncomfortably she asks, "How much does this rug cost?"

He answers, "Lady if you farted just touching it, you're gonna crap your pants when you hear what the price is.


                            =oOo=



Motivating story.

Sa bawat seminars na aking napuntahan laging may portion ang motivation. Isang  kwento na kahit alam mong hindi totoo ay talagang mag e-enjoy ka lalo na at magaling ang speaker.   Isa sa mga nakatawag ng aking pansin ay yung tungkol sa tindero ng kamatis.  Ang feeling ko nga pagkatapos ng seminar ay ang galing ko na at kargado ako ng self confidence.  Feeling millionaire agad pero ngayon ay sanay na ako kasi ba naman ay ako na minsan ang speaker sa ginaganap naming mga orientation at ginagamit ko din ang kwentong ito.  Buti na lang at hindi ako tinatanong ng mga listeners kung successful na ako sa field ng selling.  Kung sabagay ay may masasabi naman ako na hindi 100% successful financially pero successful  na rin kasi since the beginning naman ang pangarap ko lang ay mapagtapos ko lahat ang mga anak ko  sa college at  mabuhay na masaya.

Well, the stories goes  like this:

Isang newly wed guy  ang nawalan ng trabaho at nagkukumahog siyang makakita agad kasi ay 5 months pregnant ang kanyang asawa.  Nag apply siyang janitor sa isang office at  after the interview  ay  pinag aktual test  at nagustuhan naman ang kanyang mga kilos bilang isang janitor.  Tanggap ka na at pwede ka ng magsimula sa Monday bale 5 days from now at i-submit mo lahat ang mga required  na docs at pahingi ako ng cel number mo at saka e-mail address.  Sori po mam, wala po akong e-mail address at hindi po ako marunong mag computer at nawala rin po yung celpon ko.  Sabi ng babae, gawan mo ng paraan iyan w/n 3 days at kung hindi ay hahanap kami ng iba.

Lumabas ng opisina ang lalaki na lulugo-lugo at  iniisip niya na mababawasan yung kanilang ipon na pera  kung bibili siya ng  celpon.  11:00  pm na at nagugutom na siya, napadaan siya sa palengke at bibili sya ng kung anumang maii-ulam nilang mag  asawa.  5k lang ang kanilang pera, yan lang ang perang namamagitan sa  kahirapan at kayamanan at kailangan niyang tipirin yun pero  nakalaan yun sa buwanang check-up ng  kanyang asawa at araw-araw na pagkain  pero wala siyang magagawa kasi kailangan nilang kumain araw-araw.

Napadaan siya sa may tindahan ng gulay at napansin niya ang kay gagandang kamatis.  Bumili siya ng ilan para sa kanila kasi napakamura at naisip-isip niya na bibili siya ng madami at ibenta niya sa kanilang kapit bahay.  Ganun nga ang kanyang  ginawa at  habang daan ay inaalok niya ang kamatis at malayo pa siya sa kanila ay naubos na agad.  Kumita sya ng kaunti at nalibre na ang tanghalian nila ay may sobra pang kaunti  kaya nasabi niya sa sarili na babalikan niya after lunch yung kamatis.  Ganun nga ang kanyang ginawa at bumili sya ng marami at inilako niya yun sa kanilang lugar at malaki din ang kanyang kinita at muli ay nasabi niya sa sarili na bukas ay magtitinda uli sya,

Ganuon-ng  ganun ang kanyang ginawa at sa loob ng isang linggo ay malaki na ang napadagdag sa kanilang ipon na pera.  Naisip niya tuloy na gagawa sya ng kariton para madami syang madala.  Hindi lang kamatis at pwede na niyang isabay ang ibang gulay para  mailako .  Naging matagumpay sya at naisip niya muli na mas malaki ang kanyang kikitain ko sya mismo ang mamimili sa bukid at hahanap sya ng mga taong walang trabaho at ituturo niya ang ganuon sistema at sa kanya kukuha ng paninda.  Nakabili na sya ng sasakyan at naging maunlad ang kanilang buhay at ngayon ay 3 na ang kanilang anak.

Gusto niyang makasiguro sa pag-aaral ang mga anak  kaya nagpunta sila sa Insurance agency at ikinuha niya ang 3 anak ng insurance para makapasok ang mga ito ng libre sa hi-skul at college.  At pagkatapos mai-ayos ang policy ng 3 bata ay hiningi ng attending clerk ang kaniyang celpon number at e-mail address upang ma-inform sila sa mga update ng agency.  Ang sagot ng lalaki ay kung may celpon at e-mail ako nuong araw sana ay janitor parin ako hangga ngayon.      End of the story . . . . .

We know that the story is not true but it is so close to reality.  Pwede namang hindi kamatis at ibang produkto but in the same manner ang concept.  It is the lesson or the message of the story that will strike you most.  Ang lesson dito ay hindi hadlang ang kahirapan ng isang tao sa kanyang mga hangarin sa buhay.  Kailangan ay magkaroon ang bawat isa ng discontentment in a  constructive way.  Mag-isip lagi ng innovation para umunlad tulad ng malalaking kumpanya na lagi may mga bagong modelo at producto. . . 

                            TRIVIA

Q: How come tears come out of our eyes when we cry?
A: Tears flow from our eyes when we cry because they contain chemicals and hormones produced by our bodies. When we become upset, our brains and bodies overreact and work overtime by producing chemicals and hormones. Crying helps eliminate these extra chemicals that we don't need. The chemicals and hormones disappear from our body through the form of tears. As our tears flow, they sooth our sadness or distress by withdrawing these chemical agents. 


Monday, November 12, 2012

jv7lands Realty: MORE FUN IN WRITING BLOGS AND JOKE MUNA PARA MASAYA

jv7lands Realty: MORE FUN IN WRITING BLOGS AND JOKE MUNA PARA MASAYA

MORE FUN IN WRITING BLOGS AND JOKE MUNA PARA MASAYA



Joke muna para masaya at  IT IS MORE FUN IN WRITING BLOGS

Nanay:  Anak, bumili ka nga muna ng bigas at naubusan na tayo.
Anak:  Kayo na lang po inay, masakit ang puson ko at meron po ako ngayon.
Nanay:  Tumigil ka nga jan sa kaartehan mong bakla ka, baka gilitin ko yang bayag mo at ng tuluyan kang duguin diyan.
Anak:  Ilang kilo po ang bibilhin?
                                                                                -oOo-
Grupo ng mga graduating student ng Pamantasang ng Cabuyao, Psychology  Dept. ang nag- field trip sa ospital  ng mga baliw sa Mandaluyong.  Sinalubong sila at iginala sila sa mga ginagamot duon:

Student:  Doc, ano po ang kaso ng isang iyan?

Doctor:  Akala niya ay sya si Andres Bonifacio.  Kaya may hawak syang patpat at sumisigaw ng “Sugod mga kapatid”.

Student:  Ito naman pong isang ito, bakit naka wheelchair sya?

Doctor:  Akala naman niya ay siya si Apolinario Mabini at isa syang dakilang lumpo.

Student:  Ito naman pong isang ito, bakit nakaharap sa pader at galaw ng galaw ang kamay?

Doctor:  Akala naman niya sya si Juan Luna at nagpipinta sya.

Natapos ang field trip at nag paalam na ang mga estudyante.

Student:  Maraming pong salamat Doctor, Ano nga pala ang pangalan ninyo Doc?

Doctor:  Ako naman si Dr. Jose Rizal . . .  Huwag ninyong kalilimutan ha, ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa hayop  at malansang isda . . .  Adios . . . patria adorada, del heruismo cuna . . . . . . . . .  kayong mga kabataan ang pag asa ng bayan.

                                          -oO0-
There is this good old barber in some city in the US.

One day a florist goes to him for a haircut. After the cut, he goes to pay the barber and the barber replies: "I am sorry I cannot accept money from you. I am doing a community service." The Florist is happy and leaves the shop.

The next morning when the barber goes to open his shop, there is a thank you card and dozen roses waiting at his door.

A Cop goes for a haircut and he also goes to pay the barber after the cut. But the barber replies: "I am sorry I cannot accept money from you. I am doing a community service." The cop is happy and leaves the shop.

The next morning the barber goes to open his shop, there is a thank you card and a dozen donuts waiting at his door.

A Filipino software engineer goes for a haircut and he also goes to pay the barber after the cut. But the barber replies: "I am sorry I cannot accept money from you. I am doing community service." The Filipino software engineer is happy and leaves.

The next morning when the barber goes to open his shop, guess what he finds there?

A dozen Filipinos waiting for a free haircut!

                                                -oOo-

Dumaan ang isang pangit na babae sa grupo ng mga nag-iinuman.

Tinukso ng isang lasing ang babae, "Pangit! Pangit!"

Gumanti ang babae, "Lasing! Lasing! Lasing!"

Hirit ng lasing, "Hindi bale. Bukas hindi na ako lasing! Eh ikaw?!"
Pangit parin.

                                -oOo-   

Sa Bilibid prison, nagi-interview ang mga nag-aaral ng journalism:

Student:  Bakit po kayo nakulong dito?

Preso:  Hindi ko sinasadyang mapatay ang asawa ko.

Student:  Masakit pala ang pangyayari at batang-bata ay balo na kayo.

Presos:  Oo nga eh, 3 beses na akong nabalo.

Student:  3 beses???  Ano po ang ngyari.

Preso:  Mahirap lang kami at sa bukid kami nakatira at ung naunang dalawa kong asawa ay namatay kasi nakakain sila ng kabute.

Student:  Ayyyyy, kawawa naman pala.  Ito pong pang  tatlo bakit naman po nadisgrasyang napatay ninyo.

Preso:  Kasi ayaw niyang  kumain ng kabute.
                                                                -oOo-




IT IS MORE FUN IN SELLING

Last night, ready na akong gumawa ng isa pang istorya regarding sa “it is more fun in selling “ ng parang may nagtutulak sa akin na maghanap ng blogs na nakasulat sa filipino.  Nakakita naman ako at kahit hindi ko gusto yung isinulat niya ay nag enjoy ako sa pagbabasa kasi  ang ganda niyang magsulat sa filipino.  Perez ung natandaan kong e-mail nya at 22 yrs old at tapos ng journalism.  Gradweyt  ba naman ng journalism at ako naman ay hi-skul graduation lang kaya malaki ang difference ng pag compose niya ng mga sentence.  I admit na nainggit ako sa kanya at nasabi ko na gusto kong matutong sumulat ng ganuon.  Well, sabi ng anak ko ay huwag ko ng pangarapin at huli na ang lahat  at saka hindi daw importante un basta ang mahalaga ay maisulat ko kung ano ang nasa loob ko. Sabi ko naman ay importatante un, ung nabasa ko ay hindi ko gusto ang istorya pero inulit ko pang basahin kasi gusto ko ang pamamaraan ng pagsulat.  Sabi pa niya ay matuto daw akong mag draft ng sulat tapos ay i-edit ko di tulad ng ginagawa ko ngayon, diretso at pagka check ko ng spelling ay publish na agad.  Tinuruan na rin niya akong ng mga copy/paste, ang hindi ko lang magawa ngayon ay kung saan ko hahanapin yung binasa ko kagabi.  Kanina pa ako nag ikot sa mga blogs site pero indi  ko na makita.  Sana sumagot sya sa comment ko para matandaan ko na ung blog niya. 

Hindi lang yun ang nabasa ko, may mga english ang sulat pero pinay na nasa abroad, un bang mga hearthbreaking ang story, corny sa aking ang mga ganuong istorya pero saan ka, I am teary ng matapos kong basahin.  Hindi rin ako makabalik sa site niya at nalimutan ko rin ung name niya.  Charge to experience, i-note ko na sa susunod ang mga name nila at sabi uli ng anak ko ay i-copy ang url at ilagay sa notepad.  Marunong na rin akong mag copy paste . Na testing ko na at epektib nga, walang kawala.

A friend of my daughter girlie encouraged me to write, maybe he noticed na madaldal ako kasi nga ay ahente ako ng lupa and along the way ng kwentuhan namin ay he said I can start my writing sa mga experiences ko like selling.  Okay, what if I have nothing to write?  He said, think of your happy/funny moments, your observations lalo na sa politics at entertainment at mga best food na natikman and many more.  Never ending ang mga story like music and the most important ay your future great grand children na hindi mo na makikita ay mababasa ang mga sinulat mo.
In short, sumulat ako ng isa at ang comment niya ay magbasa ako ng ibang blogs para matuto ako but I ignore his suggestion but instead I wrote another one and another one until na may mabasa akong ibang blogs.  Wow, yan ang nasabi ko kasi ang ganda ng kanilang mga blogs at ang gaganda ng mga english nila.  I feel shame, kasi indi ko alam pagandahin ang pagsusulat at wala akong aral duon.  Hi-skul graduation lang me.  Nagkausap uli kami ng nagulok sakin na sumulat at okay daw sa kanya ung mga write-ups ko.  Sa loob-loob ko ay binobola ako nito.  But anyway, I’m happy doing this at hindi lang hapi, very very hapi pa.

Actually ang alam ko lang sa computer ay mag facebook, mag youtube at mag yahoo.  Kaya ng malaman ng lahat sa bahay  na bloggers na ako ay may kasama ng tawa at ang hindi ko alam ay kung pinagtatawanan ako o talagang natutuwa sila sa bago kong kinahihilagan.  I did this for fun, ang sabi ko nga sa kanila, I have only few years to live  dito sa mundo pero hanggat may blogspot.com ay mababasa nila at baka pati ng kanilang mga apo ang isinusulat ko.  Last Oct 16 lang ako nagsimulang magsulat at my viewers na ako.  Anyway, un nga palang account na ito ay sa anak ko at hindi naman ako marunong mag sign-up kaya bata pa yung nasa pic pero indi naman malayo ang kapogian ko sa kanya. 

I am inviting everybody na magsulat kayo.  Wala namang masama and you can do it for fun not for money.  Madami na akong inaya na mga frend ko na sumulat din but as usual ang respond nila ay hindi sila marunong.  Sabi ko ay “Ng magsimula ba ako ay marunong na agad, hangga ngayon nga ay hindi pa ako marunong pero may viewer na ako”.  I don’t believe na talent ito, desire lang yan.  Hindi ko gustong maging ahente ng lupa pero ng makabenta ako ay tuloy-tuloy na at nakapag patapos ako ng anak sa kolehiyo sa pag aahente lang. Hindi ko talent ang magbenta ng lupa pero coz of the needy yata or desire yun kaya hangga ngayon ay narito pa ako sa selling.

What to write? .  Sabi ko nga, I’m old at i have a long history.  Every writer  can share theirr experiences and observations.  I am writing without any plan, anything that comes in from my mind comes out in my finger.  I can write my blogs in english but I prefer to write it in Taglish.  My target readers are my friends and cousins abroad and I received a lot of advice and suggestions from them. And you know what motivated me most?  I imagine my future grand children are  happy reading this even without not seeing their great grandfather.  As long as there is www.blogspot.com my writings will be read.

Bye-bye for now . . . . . 

Thursday, November 8, 2012

more fun in selling at joke muna para masaya 2



                                       MORE FUN IN SELLING AT JOKE MUNA PARA MASAYA-2

Magkausap ang mag kumare habang nagtatalop ng patatas:

Mare 1 :  Tuwing nagtatalop ako ng patatas mare, naaalala ko ang itlog ng kumpare mo.
Mare 2 :  Bakit mare, ganyan ba kalaki ang itlog ni kumpare?
Mare 1 :  Hindi naman, pero ganito kadumi.
                                      -oOo-

Anak:  Itay, may ipagtatapat po ako.
Tatay:  Anu yon anak?
Anak:  Buntis po ako.
Tatay:  Cge na at kumain ka na.
Anak:  Anong klase kayong magulang, pagkatapos ninyong marinig ang ipinagtapat ko, hindi man lang kayo magagalit, hindi nyo ako sasamplin o sisigawan man lang.
Tatay:  Tumigil ka Arnulfo, tinangap ko na ang kabaklaan mo pero wag kang mag inarte at sasapakin kita.

                                 -oOo-

Lalaki:  Boss, gupit pogi nga po.
Barbero:  (Pinagmasdan ang lalaki ) pasensya na brod, sa ibang barber shop ka na lang  pumunta, indi ko kaya yun.  Suggestion lang, bakit indi mo subukan pumunta ng  plastic surgeon . . .
                               -oOo-

Teacher:  Saan nagmula ang relihiyon na hinduism?
Pupil 1:  Sa India po.
Teacher:  Mali
Pupil 2:  Sa China po
Teacher:  Mali pa rin.
Pupil 3 :  Sa japan po.
Teacher:  lalong mali.
Pupil 1, 2 at 3:  Saan po?
Teacher:  Sa Hindunisia.
     -oOo-

Sa lobby ng hotel, aksidenteng nabangga ng bellboy ang isang babaeng guest sa suso nito.

"Ma'am, sorry, kung ang puso n'yo ay kasinlambot ng suso n'yo, alam ko patatawarin mo ako," sabi ng bellboy.

Sumagot ang babae. "Kung kasintigas naman ng titi mo ang siko mo, nasa Room 201 ako."

               -oOo-

Lumapit ang labindalawang taong gulang na batang lalake sa kanyang lola at nagtanong.

"Yoya, batit ato buyoy?"

"Kasi supot ka pa, Iho, kahit itanong mo sa nanay mo," paliwanag ng lola.

"Nanay, batit ako buyoy?" tanong naman ulit ng anak sa kanyang ina.

"Kasi supot ka pa, kahit itanong mo sa tatay mo," sagot naman ng nanay.

Lapit ang bata sa tatay at nagtanong ulit. "Tatay, batit ato buyoy?"

Nagbuntong-hininga ang tatay bago sumagot, "Kati tupot ka pa."

                             next time uli . . . . .

                                        MORE FUN IN SELLING BUSINESS

That is right, it is more fun in selling business,  Why?  Because you work in your own time.  Ano namang selling business?  Sabi ni Connie Carag . . . . ., limot ko na surname niya, taga training dept ng fil-estate, to survive in this planet earth, may 3 factors na dapat ay meron ka, FOOD, CLOTHING AT SHELTER.  Without food, you will surely die, kung wala kang clothing, baka indi ka makalabas ng bahay ng hubo para bumili ng food , (joke) at baka ka naman sipunin at magkasakit kung wala kang shelter,   kahit sa ilalim ng tulay ay titira ka mag survive ka lang.  So, iyang 3 iyan ang necessity to survive.  You can survive without insurance, without car, without furniture and without cosmetics ewan ko lang pag wala kang facebook (another joke).

Pag food ang ibinenta mo, sure ay may pera ka kaagad kaya lang ay medyo mahirap, mamimili ka, iluluto mo tapos ay ibebenta mo at pag napanisan o nautangan ka pa ay lugi pa.  Pag naman clothing, tulad ng nauuso ngayon (boardwalk, natasha, avon, (avon-ado).  Abunado ka pag tumakbo ang mga pautang mo.  Pag shelter, tulad ng house and lot,  Iyan daw ang best kasi sa minimum na transaction ngayon na 2% commission ay malaki yun.  Sa 500k na deal ay may 10k ka paano na kung ang deal mo ay 3m?  Di meron ka na agad na 60k less tax.  Ang sarap isipin pero hayaan mo muna sa isipan yan at hindi ganuon kadali makuha yun.  Kung sakali ay sa next issue ko ituturo kung paano maging ahente ng lupa.

Kailangan mo din mag ingat sa pagbebenta kasi baka pagkatapos mong magbenta ay hindi mo naman makuha ang commission mo.  Bakit naman hindi makukuha?  Maraming dahilan para makawala ang benta kung ikaw ay agent or tipster lang.  3 kasi ang dadaanan ng comisyon mo,  ung ahente na nag recruit sayo, ung broker na may handle ng transaction at ang developer na siyang nagbibigay ng commission.  Pwedeng ang mag interest ng pera mo ay yung nag recruit sau, o iyong broker na swapang o iyong developer na mayabang na hindi makasingil ang broker or kaya ay  bayaran ka ng hulagan.  Madaming ganyan pero wag na lang mag mention ng name.  Lalo na ngayon na may batas or Executive Order 9646 si former president GMA para sa pagaahente ng lupa.  Kung hindi ka registered na agent ay wala kang kahabol habol at kung magreklamo ka ay baka ikaw pa ang malintikan.  (e-mail nyo na lang ako kung bakit).  Pag hindi ka registered na agent ay huwag kang pipirma sa anuman docs at baka iyan pa ang maging ibidensya laban sa iyo.

Iyang EO na 9646 ang pumipigil sa mga tapos lang ng hi-skul na maging ahente.  Isa sa mga pre-requisite ng pagiging agent ay dapat ay may mga 80 units ka sa college.  Paano na yung mga hi-skul gradweyt, ung mga single mader na gustong mag survive.  Iyan daw ang masisipag na ahente, ung mga single parent.  Kung pwede ko lang gawing single parent ung mga ahenteng single para sumipag sila sa pag aahente.

Base on my experience, may buyer ako sa abroad at close ko na ang deal kasi frend na sya ng family namin.  Sinabi sa kapatid na bibili sya ng house and lot kaya nagpunta ung kapatid sa site para makita ung sinasabing project kaya lang nahagip sila ng ibang agent at ginawang agent ung kapatid at ini rehistro ung name ng buyer.  After a wik, pumunta kami nuong anak na kanyang spa para pumili at magbayad ng reservation fee  pero may agent na raw iba yun at naka register na sa kanila.  In short, umatras na yung buyer at para wala ng marami pang usapan ay sa iba na lang project bumili.  Nasabi ko nga sa clerk nuong developer na magdala ako ng list ng mga tao at ipa rehistro ko sa kanila para lahat ay buyer ko na.  Imagine, agent na hilaw ung nag-register ng name tinangap nila.  Hindi ako agree sa ganuong transaction.  May isa pa, according to my broker naman ito.  Meron broker na nag close ng deal sa internet at ini-register naman niya sa developer.  After a wik, dumating ung kapatid na may kasamang ibang broker at may dalang pera para bayaran ang reservation.  Problem ngayon yan ng marketing manager.  Hindi pumayag ang  broker na nag close sa internet na hindi sa kanya i-credit ang sales.  Ang verdict ay ibinigay ang credit sa broker sa internet at syempre nagwala naman ung broker na may dala ng pera na pang reserve.  Kung ako ang tatanungin ay dapat ibigay yun sa nag finalize ng deal sa internet kaya lang may memo ang developer na ang sales ibibigay sa mga agent na who brings home the bacon.  Ayun galit-galit muna sila  . . . .  Nganga na lang ang talunan.

Dami pang mga problem sa selling kaya bago kayo pumasok sa pagiging agent ay alamin munang mabuti ang mga karapatan mo at dapat ay properly registered ka.  Kung hilaw ka pang agent ay duon muna sumama sa mga agent na kilalang kilala ninyo bago ibigay ang inyong buyer.  Dami kaya ngayon ng mga one night stand na agent.  Isa pang problem ngayon ay ang mga buyer na gusto ring maging agent para makabawas o discount at sa bandang huli ay ibigay ung hinihingi ng buyer kaya ang meron na lang ay ung broker at wala ng natira sa agent kasi ibinigay sa buyer.
  
Hayyyyyy, dami pang dapat pag usapn kaya lang baka mainip na ang readers nito at sobra ng mahaba.  Next issue na lang uli . . . ..  bye.

P.S.  You are invited to put your comment on the issue or even put your cp number or add your product or invite other readers or you can post your pick-up lines.

Thanks. . .

Saturday, November 3, 2012

MORE FUN IN REALTY BUSINESS, JOKE MUNA PARA MASAYA



Joke muna para masaya:

Sa unang gabi ng kasal ng hapon at ng pinay.  Tuwang tuwa ang hapon at napapasigaw sa kagalakan:

Hapon:  At last!!!  Banzai . . .   Banzai . . .  Banzai
Naghubad na ito ng damit at nakita ng babae ang bird:

Babae:  Bonsai . . .  Bonsai . . .  Bonsai .
                                              -oOo-

Tatay:   Anak, bili no ko ng soft drinks.
Anak:  Coke o Pepsi
Tatay:   Coke
Anak:    Diet or regular
Tatay:  Regular
Anak:  Bote o can
Tatay:   Bote
Anak:  8 oz o litro
Tatay:  Leche!!  Tubig na lang
Anak:  Mineral, distilled o purified
                                   -oOo-

Ano tawag sa boobs na maliit -  ABOT-KAMAY
Ano tawag sa boobs na malaki – KAPOS PALAD
Sa flat chested -  SAWING-PALAD

                                  -oOo=

Nag away ang dalawang tanga:
Kulas:  Ano ba ang gusto mo,  away o gulo?
Tomas:  Away na lang para walang gulo
                        -oOo-

Nagusap ang dalawang bingi,
Pedro:  Pare!  Sasabong ka yata.
Juan:  Naku hindi pare, sasabong ako.
Pedro:  Akala ko sasabong ka

                              -the end-   dami pa kasunod yan . . . .

BEST SUBDIVISION DEVELOPER AT BEST REALTY BROKER

Before I begin, let me introduce to you myself.  I’m Boy Baltazar (http://www.youtube.com/watch?v=YRvTOndHgPE) and I”ve been in the selling  business for two decades.  I started as agent way back in February 1992 at Fil-Estate Marketing Associates Inc.  (Femai)  I became  Branch Manager on the same year but my love in constrction business ay hindi mawala kaya umalis ako sa Realty.  May kontrata ako nuon sa San Lorenzo (Sta Rosa)  at sa Holland Blooms sa Lipa.  Supplier ako ng gravel & sand at agent ako ng mga Heavy Equipment, madali lang kasi ang pera dito eh..  In 1994, na recruit ako ng Asian Pacific para ibenta ang Cabuyao Central Subdivision sa Pulo, Cabuyao, Laguna at my fashion sa selling ay nabuhay uli at ayos naman ang kita and on 1997, Puregold Properties Inc (owner/developer ng cabuyao central subdivision at  Garden Hills Subd. Sa Tagaytay) hired me as In-house Broker or agent or kahit ano pwede itawag sa akin.  Thanks to Mariesol Fournier Angtuaco.  She motivated me to be on the selling business until now.  She is my mentor.  Napagtapos ko lahat ang anak ko mula sa pagiging agent at ngayon tapos na silang lahat at may kani-kaniya ng pamilya, I feel, I’m retired. Until now, Mariesol, Matet,  Sergs, Tacy at Babes, mga frends parin at my connection pa rin kami at sana magka bonding uli.  Ang haba kung ikukuwento ko lahat.  I am old and I have a long history, balik na tayo sa umpisa .

Who are or Who is the best Developer?  Sariling opinion ko lang  ito,  Stateland Development Inc at Crown Asia/Camella Homes at Pueblo de Oro Development Corporation,  in terms of development sila ang number one.  Mababait na marketing manager, Sir Tony of Stateland at Glenda Adriano ng Crown Asia At si Miss Pong ng Camella.

Gran Seville sa Banlic (Stateland)  ang  best location, 2nd ang Fortezza ng Crown Asia   Maganda din ang location ng  Pueblo de Oro  which naroon sila sa entrance/exit ng star toll way sa San Rafael, Sto Tomas, Batangs at ang Camella Dos Rios naman ay malapit sa Carmel Ray, Canlubang, Laguna.  In terms of Price ay mas okay ang Stateland.  Sa pag build ng bahay ay number one naman ang fortezza.  It happens na ako ang ATTORNEY-IN-FACT  ng aking buyer na nasa Spain at na witnnessed ko kung paano sila mag build ng bahay.  All according to specifications at may inspector sila sa kanilang mga contractor.  Their  location says it all.  All few minutes away to the nearest Hospital, Malls, Schools, House of Worship, Transportation Terminal, Recreations, Tagaytay , South Luzon Express Way and Hot Spring Resort.  We have a tipped from Ms. Pong of camella homes na may gagawin silang project na malapit lang dito sa amin sa Cabuyao at maganda daw ang location pero wala pang spercific na location at secret pa .

Eton City,  Nuvali , Crown Asia, Pramana and South Forbes ang pinaka magarbong developer ngayon dito sa aming area sa Laguna from Binan to Calamba.  I’m not sure, but I assess na may 4000 hectares or more ang subdivision development dito at sa mga na attend kong mga product knowledge seminars ay puro self serving ang mga sinasabi.  Hindi ko alam kung may mga plano sila sa waste water nila.  No doubt na hindi sila babahain kasi well planned ung development pero how about yung sasalo ng tubig nila at basura.   Yung basura na lilikhain ng mga residente in the future ay napakarami at para na itong Manila kaya dapat kasabay na sa development ang plano kung paano  nila ima-nanage ang basura at waste water.  .  Baka sa mga future na ulanan ay kawawa lagi ang mga taga tabing dagat (Laguna de Bay) .  But anyway,  maganda ngayon ang Eton City at Nuvali at gayundin ang South Forbes pero grabeh ang price no less than 12k ang per square meter ng lupa.  You name it amd you will have it, ganyan ang development dito ngayon, from class “B” to Triple “A” development.   If you want to know more about properties, e-mail nyo lang ako .

WHO IS THE BEST REALTY BROKER?

Presently, I’m working sa Sevenlands Realty, hindi ko sinasabing ito ang best kasi ang tingin ko ay pare-pareho lang ang mga iyan.  Ang Seven Lands Realty ay licensed Realty Broket duly registered at Department of Trade and Industry  with PRC number 00002741 owned and managed by Ms. Pricilla Jarilla.  Let me congratulate ung mga frend kong mga ahente nuong araw,  Femy Viray,  Miling Bautista (MB Reallty)  Etable Realty (Lany Etable). My cousin Elvie Epino del Rosario ,  Annie Entena.  Sila yung mga kasabay kong mga agent pero ngayon ay mga succesful ng mga broker.  Dami ko pang hindi nabangit na broker kasi hindi ko matandaan ang name.  Si Nestor na kasama namin sa Hauskon, Yung mga taga RCD Realty, Pulmano Realty.   May nagtatanong din sa akin, bakit hindi ka nag broker.  Ang sagot ko lagi ay hindi ko kaya kasi  24/7 kang naka duty.  Haayyy, isipin ko lang ay nakakapagod na.  Ang sabi ko ay may gagawin ako, itutuloy ko yung ginawa ko kahapon na hindi ko natapos,  “wala ka namang ginawa kahapon ah)  iyon nga ang gagawin ko at hindi pa ako tapos duon.  Next time uli at pag usapan naman natin kung sino ang mga BEST BROKER at kung paano maging Sales Agent at yung iba pang mga  subdivision projects.  May EO si GMA, 9646 para sa mga agent lang ito.  Bye for now . . . .