Joke muna para masaya:
Scenario: Nagsosolong bahay sa di kalayuan at ang nakatira lang ay isang old lady at saka ang kanyang ibong parrot:
Old lady: hoy parrot, alis muna ako at pag may dumating na tao ay itanong mo kung sino cya.
Parrot: Opo, senyora
Makalipas ang ilang sandali ay may dumating na tao at kumatok sa pinto, tok, tok, tok,
Parrot: Sino yan?
Visitor: Tubero po, gagawa ng inyong gripo.
Tok, tok, tok . . . .
Parrot: Sino yan?
Visitor: Tubero po, gagawa ng inyong gripo. (tok!!! tok!!! tok!!!!)
Parrot: Sino yan??
Sa di kalayuan ay may mga batang naglalaro ng baseball at aksidenteng natamaan ang tubero ng bola sa bahaging likod ng batok. KO yung tubero at natakot ang mga bata at nagtakbuhan paalis. Dumating ang old lkady na may ari ng bahay.
Old lady: (nakitang may taong nakahiga sa harap ng pintuan nila) napasigaw siya ng SINO YAN ?????????
Parrot: Tubero po, gagawa ng ating gripo.
ALA-ALA NG KAHAPON
Pag nag kwentuhan kami ng mga anak ko sa bahay, ang simula ko
lagi ay “nuong araw”. Nuon yun Dadi !!!!, nuon yun, iba na ngayon, sabay
tawa nila, pero obvious na gusto naman
nilang marinig ang mga happenings ko “nuong araw”. Larong turumpo (panjego) sipa na gawa sa
dahong mabaho, panunungkit ng makopa, santol, star apple, chesa, avocado,
sampaloc. Naglalaro ng walang brief pero
indi uso nuon ang luslos, bahay-bahayan, saing-saingan. Magpalipad ng sarangola pagsapit ng gabi ay
makikinuod ng TV sa may bakery at kahit 2 kms ang layo ng bahay sa skul ay walang
nagsasakay ng jip. Hayyyy, sarap balik-balikan. Pag inihatid ka ng tatay mo ng nakabisekleta
ay feeling na may kaya kayo. Kaya naman
ako ay gumawa ng brief story ko sa youtube na may title na larawang kupas. Pag pinapatugtog ko yan sa u-tube at sabay
muni-muni, ay sarap balikan ng nakaraan. http://www.youtube.com/watch?v=YRvTOndHgPE. Click nyo na lang for additional info about
myself.
Masasabi ko na mas maswerte ang generations ng 50’s 60’s 70’s at isama na ang
80’s. Ganda ng music nuon at higit sa
lahat hindi polluted ang paligid at pati na rin utak ng tao.
Para sa mga kabataan ngayon ang mensaheng ito. Una, we survived being born to mothers who
did not have an OB-Gyne, komadrona lang at hilot. Walang problema ang mga nanay nuon sa pag
inom, ng gamot pag may sakit sila. Ang
crib nuon ay purong kahoy at walang malambot na bahagi kundi ung banig na
nakalatag, pati yung walker or andador, gawa sa yantok at wala pang
gulong. Walang diapers, puro lampin na
katsa. (sako ng harina)
As children, indi kailangan ang aircon bus. Sa manila nga ay kahoy ung body ng bus (JD
Busline) at pag papunta naman sa manila
ay LTB Co na ang upuan ay kahoy at nakahilera lahat sa harapan at ang kundoktor
ay nakasabit lang sa tabi. Ang mga jip ay apatan lang di tulad ngayon na 26 passengers ang pwedeng maupo.
Nagpapastol kami ng
kalabaw (madami na sa mga bata bngayon ang hindi na nakakakita ng kalabaw)
sakay sa kariton o kaya ay sa paragos na hinihila ng kalabaw. Pag inom ng tubig ay diretso ang nguso sa poso at
walang ubos ang tubig pero walang namatay sa pagtatae nuon. Pag nakapag soft drinks, mga apat ang iinom
sa isang bote at yung mga naninigarilyo ay sasabihin ng frend ay, pare 50 tayo
ha. Hehehehe, wala pang philip nuon,
newport, kent, piedmont at ang mga matatanda ay aroma (bataan matamis) at ang
alak ng matanda nuon ay syoktong) ng matuto akong uminom ay Beer Gin Coke, sama
ng lasa, kaya iniba namin, minsan hinahaluan namin ng kape at minsan ay
calamnsi.
Lakas kumain ng kanin na niluto sa palayok sa kalang de
kahoy, ang ulam ay isang itlog na pipisain sa ibabaw ng kanin at bubudburan ng
asin, at ayos na yun para ng pyesta. Naglilimas kami sa bukid para sagana sa ulam,
hito, gurami, dalag o kaya ay maninima sa ilog, pag uwi ay talbos ng pako, talbos
ng kamote, kangkong, ang huli lagi ay bakule at biyang bato, minsan may ayungin
at kansusuwit at ska gurami at always na yung talangka, hipon at susu. Ang alagang manok ng lola ko ay higit sa 20
at pinuputulan ng kuko sa hinlilit at ang manok naman ng kapit bahay ay sa may
likod at yung isang kapitbahy naman ay ung kuko sa gitna kaya alam kung kanino
ung manok at isosoli o aalpasan nila.
Walang magnanakaw. Ang laro namin ay playball, (bat na yari sa
kawayan at ang bola ay medyas na binilog.
Mananaltek (tirador) ng ibon. Laro ay tumbang preso, patintero, baril-barilan, taguan
at sikyo. wala na akong batang
nakikitang naglalaro ng ganyan. Walang
cellphone nuon kaya laro maghapon at pag
tumawag ang magulang at indi ka sumagot ay hataw ka na. I remember those old days, inuuna mo pa ang
paglalaro!!! Pak. Pak!!! hindi ka pa nakakadilig ng halaman. Haayyy, sasalok ka ng tubig sa balon,
ilalagay mo sa balde na nilagyan ng hawakan sa gitna, yun ang gamit ko
nuon.
Didilehensya ng pagulong o kaya ay bearing at gagawing
skating at paspas ka ng tadyak para
tumakbo ng matulin, kaso mo sa kalsada lang may makinis na daan kaya lagi na
lang kaming napapalo. Puro sariling sikap at walang tutulong na matanda. Pag may mga matatanda na puputol ng kawayan
ay nakaabang na kami at hihingin namin ung parteng dulo at gagawin naming
sumpak na ang bala ay dahon ng kakwate.
Walang Playstation nuon, Nintendo’s, X-boxes, no video
games, no 100 channels sa cable, walang dvd, walng cellphone, walang ipod,
walang computers, no internet at higit sa lahat walang facebook. Ang meron lang kami nuon ay mga “KAIBIGAN" na
siya naming laging kausap at kalaro.
Nakaranas akong mahulog sa puno at mapilayan, mahulog sa kalabaw at
magasgasan, anjan agad ang frend mo at sya ang alalay sayo at tatanungin ka
kaagad kung nasaktan ka. Alam na niya
ang gagawin kung sakaling malma ang lagay mo, tatakbo yun pauwi at tatawag ng
matanda kung hindi mo kaya. Pag kaunti
lang ang sakit ay sasabihin naman ng
asar sau na “Buti nga” Pag uso ang
holens o kaya ay ihip at sipa ng
lastek ay maghapon din na nakagulong sa
lupa at hataw na naman pag uwi ng bahay kasi ang dumi ng damit. Lalo na pag namamangos kami ng tubo, lakas
makadumi ng damit kaya hubaran agad ng damit at diretso sa terminal ng tubo
(gurwa) na dinadala sa canlubang upang gawing asukal. Sa loob din kami ng tubuhan nanghuhuli ng
gagamba at walang takot sa ahas, daga o kahit anong kulisap. Ang mga bata ngayuon ay ipis lang napapa-irit
na. Palaka nga lang ay napapasigaw na,
samantalang kami nuon ay habol ang palaka at pag inabot sya ay ulam sya
kinabukasan, Adobo sa achuwete ang masap
na luto duon.
Ang aming generations ang mga creative thinkers ngayon. Sila ang mga nabigo, nagtagumpay at umako ng
responsibilidad. Mga natuto sa kanilang
mali. ( Sila ang mga CEO’s, Engineers,
Doctors, at mga military generals of today).
Sila yun, hindi ako kasama duon, tamad akong mag aral nuon eh. Ang masamang parte ay ang amin din
gererations ang nag improve ng mga pamuksa ng tao. Hanggang dito na lang at huwag na nating pag
usapn ang other side of the story.
Maswerte ang generation s namin kasi ung naranasan namin
nuon ay hindi na mararanasan ngayon samantalang ung nararanasan ng kabataan
ngayon ay nararanasan din namin. Ang
lamang lang nila ngayon ay malinaw pa
ang mata nila at saka wala pang silang rayuma.
Pero pasasaan ba at magkakarayuma
rin ang mga iyan.
Paggawa sana ng ice cream o kaya ay about computers ang topic ko ngayon pero ewan ko ba kung bakit ito ang naisulat ko.
Bye for now . . . . .
No comments:
Post a Comment