Sunday, October 21, 2012

Paano Magpa Titulo ng Lupa?


Joke muna para masaya:

Scenario:  Mag asawa na 3 years ng kasal pero wala parin anak.

Babae:  Love, may sabihin ako sayo ha, pero wag kang mabibigla.

Lalaki:  Ano yun?  cge sabihin mo.

Babae:  2 months na akong delay.

Lalaki:  Ano?????  sa wakas matutuloy na yata.  totoo na sana ito ! ! !

Babae:  May request ako ha, pwede ba wag muna nating sasabihin at nakakahiya na eh.  Ang daming beses  na akong delay pero laging false alarm.  Tayo munang dalawa ang nakakaalam nito at wala ng iba.

Lalaki:  Promise, hindi ko ito sasabihin kahit kanino  at next month pag hindi ka pa dinatnan ay punta na tayo sa doctor.

Kinabukasan ay umalis ang babae at nagpunta sa palengke at naiwan yung lalaki sa bahayDumating ang maniningil ng meralco.

Meralco:  Tao po,  Tao po.

Lalaki:  Sino po sila?

Meralco:  Meralco po.  Kelangan na pong kayong magbayad  kasi 2 months na kayong delay.

Lalaki:  Ano?  paano ninyong nalaman na 2 months ng delay.

Meralco:  Eto  at nasa record po namin na 2 months na kayong delay kaya kelangan na kayong magbayad.

Lalaki:  2 months na delay dapat pang ipagbayad.  Paano kung hindi ako magbayad.

Meralco:  Aba, ay di mapuputalan kayo.

Lalaki:  Diyos ko! !  Walang gagamitin ang asawa ko.

Meralco:  Ay di magkandila na lang po siya.
                
                         -the end-

Well, duon naman tayo sa topic, Paano magpatitulo ng lupa.  Isa ito sa mga raket ko nuon, ang magtitulo ng lupa.  mura lang akong maningil.  10% of the Deed of Sale.  Di kasali duon ang notaryo ng abugado sa Deed of Sale.  Ang lahat ng gastos sa capital gains at transfer tax ay kasama na sa 10% at natitirhan lang ako ng less than 1%.  Kung notaryado na ang deed of sale ay ito na ang gagawin:

1st step,  Alamin kung magkano ang assess market value ng lupang ibinenta sa www.bir.com.ph at pag nakita na ay malalaman mo na kung magkano ang magagastos sa pag transfer ng title.

2nd step, punta ka ng assessor office ng munisipyo at kumuha ng certified true copy ng tax dec at kelangan updated ang tax.  humingi ng certification of no improvement.  and then diretso ka na sa BIR.

3rd step.  Ibigay sa receiving clerk ang mga docs at bibigyan ka nila ng list ng documentong kailangan nila..  Kung dala mo ng lahat iyon ay may clerk na magtutuos ng dapat bayaran at pababalikin ka nila pag nabayaran mo na un sa banko.  after mga 1 week ay mag follow up ka at pag na confirm na nila ang payment mo ay makukuha mo na ang mga documents at babalik ka sa munisipyo.  Assessor office uli at may babayaran ka duon pero kaunti lang at tapos nuon ay sa Registry of Deed kana. May babayaran ka sa RD pero may natitira pa sa 10% na bayad sa akin nuon. Mga 1 month yun duon at pag labas nuon ay may sarili ka ng title.

Kalimitan ay nag u-under value ang vendor at vendee para makatipid sa tax.  Example:  Ang bilihan ay Php 6,000.00 psqm pero ang assess market value ng bir ay Php 3,000.00 psqm,  ang deed of sale ay pwedeng gawin na Php 2,500.00 psqm  pero ang tax ay mag base sa 3k psqm.  Which ever is higher, kaya 200sqm na lupa sa 3k ay 600k ang sale at 10% nuon ay 60k.  Ang cap gains tax ay 6% at mga 1.5% ang documentary.  Iyan kaagad ang babayaran mo sa banko at ung remaining na 2.5% ay sa munisipyo at RD at saka sa bulsa mo.

kung bitin kayo sa information ay mag e-mail lang kayo sa jv7lands@yahoo.com or sa jobaltazar2000@yahoo.com

1 comment:

Anonymous said...

Hi, sa pagkakaintindi ko, nabayaran muna ung tax pero wala paring assurance na sayo na ung lupa hanggat d pa nalilipat ung title?