Tuesday, October 16, 2012

may problem ka ba sa nabili mong house & lot?

Hindi naman ako expert nor a consultant but my two decades of experienced in realty business sharpened  me in many ways.  mag share lang  ako ng ilang tips or information kung ano ang inyong gagawin kung kayo ay magka problema sa nabili ninyong house & lot  laban  sa developer na abusado.

Ang pag develop at pagbili ng property sa subdivision is governed ng PD-957 at BP 220 at Maceda Law.  Ipinapatupad ito ng HLURB and it is the only government authority who has the power to handle inquiry and complaint. 

Napakaraming dahilan ang developer pag sila ang may pagkukulang pero pag ikaw ang nagkamali, ay malaman mo na lang na naibigay na sa iba ang iyong loteng nabili at ang sasabihin ay ililipat ka na lang.  It happens to my client na nadelay ang kanilang payment at may iba kaagad na nag occupy dun sa bahay nilang binili.  Nakiusap ang kliyente ko na sila ang dapat tumira pero ang sagot ay nagpadala daw sila ng notice of cancellation at hindi daw sila sumagot kaya ibinenta sa iba, pwede daw namang lumipat sa ibang lote kung gusto nila at kung hindi ay forfeited na ang kanilang naibayad na around 150k.  Wow grabeh, ang bagsik naman.  Lumapit sa akin ang buyer at nagpatulong at sinamahan ko sila sa HLURB na nuon ay nasa Anonas St. sa Quezon City.  Nagsara ang office ng developer sa Pasig at hindi malaman kung saan na sila naruon kaya tumagal halos ng 1 yr ang kaso.  To cut the story short, natalo sa case ang extra ordinary at nagbayad  sila with interest  at other charges.

Same developer, umabuso uli,  dahil nakilala na akong nag aabugago sa mga may problem sa lupa, nilapitan ako at nakiusap na tulungan ko sila.  Medyo iba naman ang kaso pero after a year ng pagpunta sa HLURB ay nanalo uli at bayad na naman sila with corresponding other charges and interest.

Remember na merong PD 957 at BP 220 na nangangalaga sa mga buyer sa subdivision.  Pag may laban ang kaso ay wag kayong matakot gumastos, maliit lang ang bayad sa pag file ng complaint,  hindi ninyo kailangan ang abugado sa HLURB.  Hindi umiiral ang rules of court duon at very accomodating ang mga taga HLURB at maski ung mga taga appeal office ng HLURB dun sa Quezon City.

Kung meron kayong problema sa house &  lot na inyong nabili , message lang kayo sa akin at baka sakaling
makatulong ako.  Ituturo ko sa inyo ang madaling paraan.  kahit sa pag transfer ng title, pwede kong ituro para malaman ninyo ang eksaktong amount na inyong ibabayad. ewan ko sa ibang lugar pero d2 sa amin ay walang lagayan kaya di kailangan ang mga fixer at kung talagang kailangan ng ibang tao ang maglakad ay malaman ninyo ang tamang gastos.

pwede ninyo akong e-mail sa jv7lands@yahoo.com.


1 comment: