Wednesday, October 17, 2012

How to file complaint at the HLURB


Part 2 or the continuation of the 1st issue about HLURB.  The title of the 1st one is "May problema ba kayo sa nabili ninyong lupa sa subdivision?".  Let say may problema nga kayo, ang gagawin ninyo ay pumunta ng Developer at ireklamo ang problema pero sure may palusot sila.  I advice na put it in writing lahat ng mga demand ninyo at ipa-receive sa developer.  Bigyan ninyo sila ng takdang araw at kung hindi ibigay ang request ninyo ay sabihin ninyong magko-complain na kayo sa HLURB.

HOW TO FILE YOUR COMPLAINT?  Gumawa lang kayo ng sulat address sa HLURB  office na nakakasakop sa inyong lugar at ikuwento ninyo ang mga pangyayari at sabihin ninyo ang inyong demand.   Tagalog na lang kung hirap kayo mag english, Ipapatawag nila kayo at ang developer para sa conciliation meeting at kung hindi kayo magkasundo sa harap ng arbiter ay pagagawain na kayo ng formal complaint.  Almost the same ang format ng una ninyong sulat except  na may attachment na form na ipapanotaryo ninyo kung may spa kayo at saka 4 copies ang kukuhanin nilang kopya.  May babayaran na kayo at ito ay base na sa claim ninyo.  Di ako sigurado kung magkano pero ung Php 650,000 na claim ko ay Php 5,500.00 and binayaran kong fee. And then wait na lang kayo sa letter of invitation from HLURB para sa hearing.  Mga 3 hearings lang at position paper na  and then verdict na agad.

Remember na hindi ninyo kailangan ng abugado na babayaran.  Kayo lang mismo ay pwede ng matapos ang hearing at maresolba ang kaso.  Tulad ng nauna kong sinabi, ang rules of court ay hindi 100% na umiiral.

Kung sakaling malabo sa inyo ang explanation ko ay pwede ninyo akong e-mail sa jv7lands@yahoo.com.
Remember na hindi lahat ng developer ay palpak.  Pag nasa katwiran sila ay kahit anong reklamo mo ay wala kang magagawa kahit umiyak ka pa.  Ang laging may palpak ay mga small time developer, yung gumagawa ng mga mass housing.  Kung meron silang culpable violation sa PD-957 o kaya sa BP-220 ay sure winner kayo.  Message na lang uli kayo sa akin at hindi ko pwede isulat lahat dito kung ano ang mga Article at Section at ang haba nuon

Highly recommended  developer ko ay Stateland, Crown Asia (Vista Land),  Pueblo de Oro Development Corp., Ayala Land.  Yung iba ay okay din pero sila ang kilala ko na mahusay na Developer.   Mahigpit lang sila sa documents at kailangan talagang mai-produce as soon as possible.  

Kung kayo ang may kasalanan tulad ng hindi kayo nakabayad kasi nawalan na ng trabaho, makiusap na lang kayo na kung maari ay may ma-refund but I doubt na bigyan kayo ng favor pero pwede rin kayong maka refund kung ang bilihan ay nangyari kung wala pa silang license to sell.

Pwede kayo humingi ng kopya ng license to sell ng isang subdivision sa HLURB office.  Alamin ninyo kung saan ang office ng HLURB na nakakasakop ng inyong lugar.  Ang Region IV-A ay dito sa Halang, Calamba, City.  Very accomodating sila lahat at talagang mga public servant sila na kahit may mga title sila ay sasaludarin kayo ng maayos.  Iyon ay sa Region IV-A Office ewan ko sa iba.

Next topic ay paano magpa titulo ng lupa,

jv7lands@yahoo.com


13 comments:

Anonymous said...

sir good day,
tanong ko lang! kasi dito sa amin sa beverly homes prenza marilao bulacan nagkaroon ng hoa pero hindi lahat naka attent ng election, at ang election taas kamay lang! walang returns, wala din committee at nahuli pa ang pagpili ng board. at maraming inangkin na responsibilidad ang hoa na dapat ang developer and gagawa.pwede ba maging official ang asawa nna hindi naman registered homeowner/member.

Anonymous said...

isa pang problima namin dito sa beverly homes prenza marilao bulacan yung access road na ginamit ng katabing subdivision na karlaville na pag aari din ni vicente ng, na developer din ng beverly. itong main road nila naka traverse sa gitna ng beverly sud. ang sabi ng proj manager na may agrement to right of way ang developer. pero sakop ito sa approved subdivision plan ng beverly. wala na kami safety or privacy kasi bukas ito at kahit sino makakadaan.

Anonymous said...

hi there ang galing ng mga advices mo..it really helps a lot sa mga tulad namin na naloko ng developer...can i email you?...nasagot mo lhat ng mga worries ko with your personal blog...thanks a lot and always God Bless you!

Anonymous said...

Yes, I believe that there is a right of way agreement prior to construction of Beverly. Buyers should have assessment on the area before purchase. We as residents of Karlaville also having a problem due to soil eroding at the river. For us, this is a big problem that we wanted to bring to HULRB because Fortune Developer has been dissolved allegedly.

Anonymous said...

I have the complaint form with me, it asks for the complainant for the Law, rule or Regulation relied upon, violated or sought to be enforced. my case is that up to now the Developer has not given us the Contract To Sell when we ahve paid the downpayment in full and the completion of payment for the lot that we bought will be on january 2014.

Nimrod said...

dre nakuha mo ba refund mo? nka ilang buwan ba from your filing of complaint until it was ruled by HLURB?

I'm about to file a similar complaint kasi with a condo developer here in the Metro.

Naghahanap pa nga lang ako ng mga sample compaints ngayon para may reference.

Anonymous said...

Meron po ba kau sample complaint letter against to Developer address to HLURB? Really need po tlg for pullout ng unit since ang problema ay nsa developer.

Unknown said...

kung kasama yan sa development permit at saka sa ipina-aprub na subd plan ay walang magagawa jan. Ang mabuti pa ay mag file ng reklamo ang homeowners assn. ninyo sa HLURB para maliwanagan ninyong mabuti yan. Kasi kung may violation yan ay dapat ay magbayad yan sa inyo. matagal na bang nag exist ang subd. ninyo?

Unknown said...

Gusto ko lang pong malaman ang totoo kung nasa tama ba ako o wala
Kase po kumuha ako nag bahay sa developer
umutang me ng cash loan pambayad sa property. Actually ang developer ang nagtransact nito. colateral ang property.
Hindi na ko nakabayad so nag apply me ng refund sa pag-ibig. Sabi ng pag-ibig hindi na sila saklaw nito dahil cash loan ang nakuha ko s kanila at di pabahay.
So pumunta me sa HLURB. sabi nila sa developer dw dapat kase don napunta ang niloan ko. nagfile me ng request sa kanila to refundy pero deny ng developer. the main reason is matagal na raw wala ako sa accnt nila. 2002 pa.. natural po un di ba? kase binyaran nga sila ng full ng Pag-ibig? isa pa po sa contarct to sell na pinirmahan ko sa Developer andong ung rights ko na makarefund under RA6552 .
Tama ba na magdemand ako ng refund sa dveveloper?

Anonymous said...

sir, napakainformative po ng inyong blog. tanung ko lang po, ako po ay nakabili ng property diyan sa cavite. ang bilihan po ay P800K+ po. ang terms of payment po ay P500k down at ang balance po na P300K ay payable in 5 years @ P19K monthly. Bago po matapos ang 5th year ay nakabayad na po kami ng more than P800K sa kanila pero sinisingil pa po kami. kamakailan po ay pumunta po ang isang ahente sa amin at pinapabuy back po sa amin ang property sa mas mataas na halaga. ayaw po nila kaming bigyan ng statement of account dahil daw po ang pangalan namin ay wala na sa system nila...pwede po rin ba kami magreklamo sa hlurb para dito. sa ngayon po ay nakabayad na kami ng 1.3M pesos sa kanila sa aming kwenta. salamat po.

Unknown said...

maraming mga nagtatanong at kung pwede ay sa aking email ninyo ipadala ang message ninyo. bihira ko na kasing mabukasan ang blog kong ito. jv7lands@yahoo.com

Anonymous said...

Bawal ba ipagamit ang parking sa kaibigan mo.binigyan ko ng authority ang kaibigan ko. pinag babawalan ng condominuim. outsider daw. Nasa Master deed of restriction eh nasa RA9904 puwede mo i authorized ang pag gamit nito at pareho na ang karapatan nyo bilang parking slot owner and legal occupant

Unknown said...

Can you please put your advice on your page in English? I am a New Zealander and want to file a complaint with HLURB>