Tuesday, November 27, 2012

HLURB AT MGA KARANIWANG TANONG NG BUYER


JOKE MUNA PARA MASAYA

Girl: O sige payag na akong lumabas tayo at mag sex, puntahan mo ako sa bahay at magpaalam tayo sa tatay ko na manonood lang ng sine tapos ay bahala ka na kung saan tayo pupunta pero tatlong oras lang h?
Guy: O sige mga 7:00 p.m. ang dating ko. (punta sa botika at bibili ng CONDOM)
Pharmacist: Ilang Condom?
Guy: Isa...dalawa na...eh, tatlo...isang kahon na, tatlong oras na upakan ito, Pare.
Nang dumating ang lalake sa bahay ng babae:
Girl: Tuloy ka, upo ka muna at ipakikilala kita sa Daddy ko... Dad boyfriend ko po manonood po kami ng sine ngayon.
Guy: (Tahimik, nakayuko, walang imik, pinapawisan ng malapot, nakapikit ang mga mata habang nakaupo.)


MGA KATANUNGAN NG BUMIBILI NG HOUSE & LOT

Marami na akong na encounter na mga buyer ng lupa lalo na sa mga house & lot.  Halos iisa naman ang mga tanong nila kaya iisa rin ang paulit-ulit kong sagot.  Sa mga balak pa lang bumili ng house & lot ay pwedeng  ito ang maging basis ninyo sa inyong pagbili ng lupa at pwede rin ninyong itanong at tingnan ninyo kung ano ang isasagot nila at baka madagdagan pa lalo ang inyong kaalaman.
Napansin  ko rin na maramin ang nagvi-visit sa How to file Complaint sa HLURB.  Madami kasi sa mga buyer ngayon ng house & lot ay nabibigla sa pagbili.  Pag bumili yung kaibigan at mura ay nae-encourage narin tapos marealize na malayo pala, pangit ang development at kung ano-ano pang dahilan na nauuwi sa pag back-out.  Hindi naman ganun kadali ang mag back-out at pati developer ay napu-purhuwisyo.Bago bumili ng house & lot, sumanguni sa mga magulang o nakakatandang kapatid at malaki kasing halaga ang inyong bibitiwang pera.

Isa pa ay mag ingat sa mga agent na hindi naman ganuong karunong at ang mahalaga lang ay makabenta at makapagpa-reserve kasi kalimitan ay may mga promo ang developer na cash incentives sa mga agent kaya ang alam lang ay manulsol para magbayad ka kaagad ng araw na iyon.  Marami sa mga agent ngayon ay hindi alam ang meaning ng Pag-Ibig.  (Pag-tutulungan- Ikaw, Banko, Industriya at Gobyerno).  Kunin nio ang CP # at email add ng agent kasi mahirap ng habulin yan pag nagkaproblema.  Anyway. may EO #9646 para masala ang mga ahente at hindi pwede yung basta agent na lang.  kung maari ay duon sa broker ng agent kayo maka-pag close ng transaction kung sa tingin ninyo ay hindi ok ang agent .  Marami din naman ang mga magagaling na agent at marunong sumagot.

Bakit mas malaki pa ang sukat ng bahay kesa sa sukat ng lupa?

Kung ang sukat ng ground floor ay 22 sqm. at ang second floor ay 22 sqm din bale ang sukat ng Floor Area mo ay 44sqm samantalang ang lote mo ay 36 sqm. lang.

Bakit may sukat na mas malaki ang ground floor?
 
May mga yari ng bahay na nasa labas ang toilet.  Ang toilet ay bahagi ng floor area at sa second floor naman ay walang toilet kaya mas malaki ang ground floor at ganundin pag may mga model  house na may garahe, maiiba din ang sukat ng ground floor kaysa sa 2nd floor.

 Bakit magkaiba ang computation ng equity samantalang isang unit lang naman ang binibili? 

May mga yari ng bahay na tinatawag na “BARE” , “SEMI-COMPLETE”, at “COMPLETE”.  Ipinapa-aprub yan ng developer sa Pag-ibig kung magkano pwedeng i-loan.  Let say, ang cost ng bahay ay 700K at aprub sya sa pag-ibig ng 600k ang “Bare Model,  it means na 100k ang equity, minsan included na ang mga other expenses tulad ng HOA, Electricity, Mortgage, Processing Fee at Occupancy, kaya kung ang bibilhin mo ay semi-complete or complete, of course mas mahal sya pero the same ang aprub loan sa pag ibig kaya lalaki ang iyong equity.    Minsan ay naka bukod  ang bayad para lumiit ang price at minsan nagugulat ang buyer kasi  hindi sinasabi yan ng ibang  mga agent sa buyer kung hindi itatanong.  Kaya pag-lilipat na ang bumili ay nagugulat at bakit marami pa siyang babayaran.  Wala ka magagawa kundi ang magbayad at tapos ay mumurahin mo na lang ang ahente ng hindi naman niya naririnig.  Ngayon ang mga developer ay may mga tao ng nag o-orient sa buyer kung magkano ang mga babayaran at paglipas ng mga 1 year ay hahanapin ang agent, kasi nalimutan na ung orientation, bago bilhin ng buyer at itatanong kung bakit may babayaran na ganuong kalaki.  Kasama ngayon sa orientation ang mga babayaran pero hindi lahat ng developer ay gumagawa niyan.

Saan magandang umutang, sa Banko o sa Pag-ibig?

 Mas maganda sa pag ibig kung ang uutangin mo ay mga mga 500 k lang pero kung mga 1m and above ay mas maganda sa banko.  Napakaliit ng interest ngayon sa Bangko kaya lang ay mas marami silang hinihingi na mga docs.

Ano-ano ang mga required docs sa pagbili ng house & lot?

Kailangan sa pagbabayad mo ng reservation application ay may dala ka ng copy `ng company ID at mga 2 pictures.  Papipirmahin ka kaagad ng Reservation application pagkatapos ng orientation at bibigyan ka ng OR sa pagbabayad mo ng reservation fee.  Gawa ka kaagad ng folder at duon mo lahat ipunin ang mga docs na related sa inyong bilihan.  Make sure na ipa-receive sa clerk ng developer  ang mga susunod na mga docs at sakit na ng mga clerk na iwala ang mga isinubmit mong mga docs.

Ang mga docs na to-follow ay MSVS.  A-attend ka ng seminar sa pag-ibig at bibigyan ka ng kapirasong papel at nakalagay duon ang date kung kelangan mo makukuha ang MSVS mo.  Kukuha ka rin ng COEC sa company at ipapa-notaryo mo iyon  at minsan ay nahingi din ang developer ng copy ng pag-ibig contribution mo.  Pwede ka lang umutang sa pag-ibig kung ikaw ay 2 years member na ng Pag-ibig, kung hindi pa, kelangan mo munang magbayad ng 12 consecutive months  sa pag-ibig contribution at ung remaining 12 mos ay pwede mo ng bayaran ng biglaan.  Baka hindi na ako update sa procedure na ito kaya mas magandang itanong mo iyan sa developer kung paano kung kulang ka pa ng 2years member ng pag-ibig.

Magsa-submit ka rin ng Income tax return mo at last 3mos payslip mo, sedula, proof of billing address, at ipa-drawing pa ung location ng bahay mo at tseke.  Kung wala ka pang tseke ay baka bigyan ka nila ng recommendation kung saan ka makakakuha ng tseke na maliit lang maintaining balance.  May buy back na kasi ngayon ang pag-ibig loan na ang ibig sabihin ay kung mag back out ka ng wala pang 3yrs ay isosoli ng pag-ibig sa developer ung hse & lot.  Kung nakabayad ka na ng 2 years ay pwede ka ng mag demand na isoli sau ang 50% ng naihulog mo sa developer  ayon sa maceda law.  Pero hindi yan ibibigay ng developer kaya kailangan kang  mag-file ka ng reklamo sa HLURB.  Depende yan kung bakit hindi mo na nakaya pang ituloy ang loan mo.

Kailan dapat bumili ng lupa?

 Para sa akin ay mas magandang bumili kung  pre-development pa lamang ang isang subd.  Ang rules ng HLURB ay kelangan mga 30% na ang development bago mag issue ng License to Sell.  Number one ay sure na iyon ang pinakamurang presyo kasi ang iniunang ibenta ng developer ay yung nasa pinakamalayong lugar kaya kung ang hanap mo ay mura bumili ka kaagad kung pre-developed pa lang ang subd.  Pangalawa,  kung nakabili ka bago pa lang mag-issue ng License to Sell at nagluko ang developer ay mas malamang na mabawi mo ang pera mo pag nag-back-out ka.  Hindi pumapayag ang HLURB sa Pre-Selling kaya laging  talo ang developer sa kaso pag ang bentahan ay naganap bago paman sila magkaroon ng License to Sell.

Magkano ang pwedeng kong utangin sa Pag-Ibig?

Ang pag-loan sa pag ibig ay base sa laki ng sweldo mo.  Ang pwede mo lang mautang ay 40% ng iyong (NDI) net disposable income.  Kung ang net income mo ay 10k, pwede kang makautang sa pag ibig ng halagang 4,000k monthly ang hulog.  Pag nag net ka ng 10k ay ang dapat sweldo mo ay mahigit 12k/month. Pwede kang mag loan sa pag-Ibig ng maximum ng 3M.

Pwede bang isama sa income ko ang family business namin?

Unahin ko muna ang sweldo ng gf/bf.  May ganiyan akong buyer eh.  Hindi pwedeng isama ang sweldo ng partner mo o ka live-in sa income mo.  Ang kailangan ay legally married kayo.  Kung ang business ninyo ay kasama ang name mo ay pwedeng gamitin yan as additional income, tulad ng tricycle kung naka rehistro sa iyo at ganun din ang jeep.  Makikita naman sa ITR mo kung magkano ang tax mo every year.  Indi pwedeng dayain maliban na lang kung magaling kang mandaya.  Merong mga developer na tinutulungan ang kanilang buyer upang makapag additional income kung kulang ang sweldo ng kanilang buyer at ginawa ko na rin iyan nuon araw. (madaya din ako).

Paano kung ma-reject ng Pag-Ibig ang loan ko?

Sa mga mahuhusay ng developer ay hindi mangyayari yun kasi bago nila tanggpin ang pera mo ay may preliminary interview silang gagawin sau.  Kung hindi ka pwede sa Pag Ibig ay di nila matatangap ang bayad mo lalo na yung mga nakautang na.  One time ka lang kasi pwedeng umutang ng housing loan sa Pag-Ibig.  May buyer ako nuon na na-reject ang loan niya kasi may kinuha na pala siya nuon na hindi niya itinuloy.  Buti na lang at nailipat niya sa asawa ung loan kaya hapi ending parin.

Paano kung matangal ako sa trabaho at wala na akong kapasidad na magbayad, Pwede ko bang i-transfer sa kapatid o sa kaibigan ung loan ko?

Problema talaga yan, madami na akong na-encounter na ganiyan.  Hindi madaling maglipat ng loan at hindi na napayag ang pag-ibig ng transfer of rights.  Pwede mong ibenta sa iba ang bahay mo at bayaran mo ang pag-ibig.  Naka mortgage kasi ang title mo sa pag-ibig at yun ay nasa pangalan mo na kaya hindi madaling maglipat ng loan.  Para kaunti lang ang hirap ay pwede kayong mag pagagawa ng memorandum of agreement  in between you and your buyer  lang iyun, ilapit na iyan sa abugado at mas alam nila ang gagawin diyan.

Kung sakop ka na ng maceda law, pwede kang mag request ng refund at kung hindi at ang bilihan ninyo ay naganap bago pa magka license to sell ang developer, may pag asa kang makuha ang pera mo basta mag file ka ng reklamo sa HLURB at kung nasa lugar naman ang developer ay goodbye na lang sa pera mo.

Paano kung mag reserve ako tapos indi ko itinuloy, mababawi ko ba reservation ko?

HINDI NA!  Pwede mong makuha yan kung may maganda kang dahilan lalo na at may mali sa presentation ng ahente pero madaming pabalik-balik yan sa opisina at sa hahabulin mong 5k or 10k ay baka kaunti na lang ang matira sa pagpunta mo duon.  Kaya ung ibang developer ay may pre-orientation muna sa buyer bago tanggapin nila ang pera mo.

Ang lahat ng nakasulat d2 ay ayon lang sa akin at walang kinalaman d2 ang Pag-Ibig, Developer at HLURB.  Mga kalimitang tanong lang sa akin iyan ng mga nagnanais bumili ng bahay at lupa at diyan lang umiikot ang mga sagot ko .  Kung may mga tanong kayo na hindi kasali dito ay pwede ninyo akong i-email sa jv7lands@yahoo.com or jobaltazar2000@yahoo.com.   Next time uli

Q: Why do golf balls have dimples?

A: Because the dimples maximize the distance golf balls travel. Dimpled balls travel up to four times farther than smooth-surfaced golf balls.

In the early days of golf, smooth-surfaced balls were used until golfers discovered that old, bumpy balls traveled longer distances. The science of aerodynamics helps explain the dimpled phenomenon. The dimples reduce the drag on a golf ball by redirecting more air pressure behind the golf ball rather than in front of it. The higher levels of pressure behind the golf balls force them to go far distances.

1 comment:

Anonymous said...

napakalaking tulong.. salamat sir